Chapter 24 Malabo. Puting background. May umiiyak. At amoy ko ang gamot na nang gagaling sa paligid. Nasan ako? Nilibot ko ang mata ko hanggang sa luminaw ang paningin ko. Katabi ng higaan ko ay nakaupo ang aking Mom na umiiyak habang hawak ang aking kamay. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin at umupo sa kama. Ngayon bumalik na sa akin ang lahat ng ala-ala ko na tinago nila sa akin ng 9 years hindi ko na alam kung maniniwala pa ba ako sa mga sasabihin nila. Tuloy tuloy na tumulo ang luha ko ng maalala si Ian. Tama nga si Vanna, walang nararamdaman para sa kanya si Ian mula umpisa kundi awa at guilty lang. "Baby, what happened? We were surprised when Julius called us saying that you're here at the hospital. Were so worried about you." umiiyak na sabi ng aking ina. Pagak akong

