NAG TUNGO naman agad ako sa kinaroroonan ng mga anak ko, iniwan ko na ang mag jowa na yon dahil ubod ng kulit, tinalo pa ang kakulitan ng mga anak ko. “ Mommy, look po oh we draw a happy family ” Napangiti naman ako at agad naman akong lumapit kay pixie at Paxton. Tiningnan ko Naman Ang drawing nila. “I like it, keep it up baby” sambit ko naman Kay pixie habang nakangiti at hinalikan ko naman siya sa noo. “ Mommy, I'm hungry na po” reklamo naman ni Paxton. Nag isip naman ako ng makakain dahil hindi pa naman ako nag Dala ng kotse, Wala rin akong dalang pagkain nila nakakahiya kasing Mang hingi sa lalaking ’yon. Bumuntong hininga naman ako. “Wait lang kayo Dito ha, pupunta muna ako kay tita Amelia. Wag kayong takbo ng takbo ” Tumango naman Silang dalawa kaya umalis na ako. Hihiramin

