Hinihimas himas ko ang ulo ni Pixie, hays sinisisi ko talaga Ang Sarili ko sa nangyayari sakaniya.
" I'm so sorry baby kung inuna ni mommy ang pag meet up sa daddy niyo. Psh, nakakainis lang kasi Ang mga tita niyo" wika ko naman.
Sinet up ba Naman ako sa lalaking yun, buong Akala ko ay pupunta Sila sa restaurant pag dating ko dun dalawa lang kami ni Thad. Nakakainis talaga, kung Hindi lang talaga nahospital itong si pixie binungangaan ko na yong mga babae na ’yon.
" M-mommy " wika Naman ni Pixie sa mahinang boses at nakapikit pa Ang kaniyang mata.
" Baby mommy is here" wika ko habang hinahawakan Ang kamay niya.
Dahan dahan Naman siyang nag mulat ng mata at unang dumako Ang tingin niya sakin.
" You should get some rest honey, mommy will be always here" wika ko naman sa anak ko.
Nakikita kung matamlay pa ito.
" I'm sorry mommy if I didn't obey you" wika Naman Niya Sakin.
nakonsensya Naman ako ng dahil sa sinabi niya.
" It's okay honey, mommy is not mad" wika ko Naman at hinalikan ko Naman siya sa noo Niya.
" Mommy, where is tita Amelia and kuya Paxton?" Tanong naman Sakin ni Pixie.
" Tita Amelia is not here she's back in her house then kuya Paxton is with her" wika ko Naman dahil Nakita ko Kasi kanina nasa gilid lang ni Amelia si Paxton.
Si Gio at Tristan nalang Ang Kasama ko Dito sa hospital may dala dala pa silang pag kain.
" Nakita niyo ba si Paxton?" Tanong ko Naman sakanilang dalawa.
" No, diba Kasama ni Amelia kanina?" sambit Naman ni Gio.
" oo nga, asan ba si Amelia?" Tanong ko Naman sakaniya.
" Umuwi na, why?" kunot noong wika Naman Niya Sakin.
" Wala...baka kasi nakalimutan Niya lang na mag paalam Sakin na dadalhin Niya si Paxton pauwi." wika ko Naman.
tatango tango Naman Yung dalawa.
Hindi ako mapakali, Hindi ko alam parang hindi ako sigurado na Kasama talaga ni Amelia si Paxton kaya naman kinuha ko na muna Ang cellphone ko lumabas Naman ako bago ko siya tinawagan.
" Hello penny" bungad Naman Niya Sakin.
" Asan ba si Paxton? Kasama mo ba?" Tanong ko Naman sakaniya.
" ahihi, kasama siya ng daddy Niya andun sa Bahay ni Thad" wika Naman ni Amelia.
"P-"
" Bye bye!" sambit nito at agad Naman niyang binaba Ang tawag ko.
inis ko namang tiningnan Ang cellphone ko at binalik agad ito sa bulsa ko.
Agad Naman akong pumasok sa loob ng kwarto ni Pixie inis na inis ako ng dahil sa ginawa ni Amelia, naabutan ko Naman na nag kukulitan Sila ng mga Tito niya kaya Naman panatag Ang loob ko na magiging okay na siya.
" Anak, mommy will leave you muna ha" wika ko Naman habang nag papalaam Kay pixie.
" No, mommy please!" wika Naman Niya Sakin habang hinahawakan Ang kamay ko.
Bumuntong hininga naman ako at hinalikan siya sa noo.
" Mommy will be back here in just a few minutes honey Kasi kukunin lang ni mommy si kuya Paxton, diba you want to see kuya Paxton?" wika ko Naman habang nakangiti.
Tumango naman siya bilang tugon sa sinabi ko.
Hinalikan ko Naman siya ulit sa noo niya.
" wag kang mag alala Sila Tito mo ay andito okay? babantayan ka nila" wika ko Naman Kay pixie habang nakangiti ng malapad.
Tumango naman ulit siya Sakin.
Tumayo na ako at tumingin Naman ako sa dalawang ul*l na ito na sayang saya sa pinapanood nila sa paw patrol.
" Hoy, bantayan niyong mabuti Ang anak ko baka mabatukan ko kayo pag na allergy ulit yan" wika ko Naman sa dalawang isip Bata na ito.
" Matic, kami na bahala sa baby girl namin. makakaasa ka" wika Naman nila Sakin.
" Siguraduhin niyo lang dahil di ako mag dadalawang isip na sipain yang balls niyong dalawa"
Natawa na lamang Sila ng dahil sa sinabi ko.
umalis na muna ako at agad na nag tungo sa Bahay ni Thad. Kinakabahan ako baka Kasi kung ano ano na Ang tinanong ng lalaking yun sa anak ko medyo seryuso pa Naman si Paxton at straight forward mag salita.
" Hays, sana walang sinabi si pax" wika ko Naman sa Sarili ko.
kabado ako dahil mapilit pa Naman si Thad.
Pinaharurot ko na ng sobrang bilis Ang sasakiyan ko para madali lang akong makarating sa Bahay ni Thad.
Nang makarating na ako ay kumabog Naman ng sobrang lakas Ang dibdib ko, aatakehin ata ako sa puso.
" Sh*t" wika ko Naman dahil sa sobrang kaba ko.
Parang first time ko lang ulit pumasok dito sa mansion, kahit sa totoo lang ay Dito naganap ang landian naming dalawa.
" kaya mo yan! kaya mo talaga yan!" wika ko Naman sa Sarili ko habang pinipilit Ang mga paa ko na ihakbang.
Bw*sit bakit Ang hirap ata ng ginagawa ko ngayon! kukunin ko lang Naman Ang anak ko.
" ihakbang mo na!!" inis ko namang wika sa Sarili ko.
Ilang minuto akong nanatili sa labas Hanggang sa naihakbang ko na Ang mga paa ko, para Naman akong nilipad ng hangin habang papunta sa loob ng Bahay ni Thaddeus.
" wag kang kabahan, Kailangan mo lang Kunin si Paxton tapos alis agad" Kausap ko Naman sa Sarili ko.
Para na akong baliw dahil mag isa lang akong nag sasalita.
Nang makarating na ako sa harap ng double door ay bumuntong hininga naman ako at kumatok, ilang katok Ang ginawa ko bago ito bumukas.
" Ayy ma'am penny, Hala ma'am Ang Ganda niyo po ah mas Lalo po kayong gumanda!" Bungad Naman ni Nanay Belen.
Napapikit Naman ako ng dahil sa lakas ng boses niya. Kilala na nila ako dahil lagi Kasi akong dinadala Dito ni Thaddeus noon.
" Sino po yan Nanay Belen" Rinig ko Namang wika ni Thaddeus.
pipigilan ko sana si nanay belen pero di ko na nagawa dahil bigla bigla nalang siyang nag salita.
" Si Ma’am Penny po sir, Ikaw po ata ang hinahanap Niya" wika Naman nito.
Napapikit nalang talaga ako ng mata dahil sa sobrang kulit ni Nanay Belen.
" Pasok kana penny, may Bata na kasama si sir magkamukha Sila napaka gwapong Bata" wika Naman Niya Sakin.
Ang tinutukoy Niya atang bata ay si Paxton.
Nang makapasok na ako ng tuluyan sa loob ay bigla namang tumakbo si Paxton papunta Sakin.
" Mommy!!" masayang sigaw ni Paxton Sakin.
Bago lahat ng sinuot niyang damit kaya nag taka Naman ako.
" Binilhan mo siya ng damit?" wika ko Naman habang nakakunot Ang noo.
" Yeah, what's wrong I'm his Tito Naman" wika Naman ni Thad at agad na umupo sa sofa.
" Tara na Paxton, hinahanap ka na ni Pixie" wika ko Naman Kay Paxton.
" She's awake na po mommy?" Wika Naman ni Paxton habang nakangiti ng malapad Sakin.
Ngumiti naman ako at tumango sakaniya, kinurot ko Naman Ang pisngi niya at binuhat ko Naman agad siya.
" Salamat sa pag aalaga mo sa anak ko"
aalis na sana ako ngunit nag salita Naman siya.
" who's their father alam ko na nag sisinungaling ka, what if ako-"
" Hindi Ikaw, wag Kang mag assume" wika ko Naman Kay Thaddeus at agad agad na umalis.
Di na ulit ako lumingon pa, dire diretso lang akong nag lakad patungo sa kotse ko.
" Mommy you and Tito is fighting?" inosente namang Tanong Sakin ni Paxton.
Umiling Naman ako habang pinapasok ko siya sa kotse, ng makapasok na siya ng tuluyan ay sumunod naman ako.
Nakita ko pa si Thad sa labas ng Bahay niya kaya bumusina Naman ako bago umalis.
Para Naman akong nabunutan ng tinik ng makalayo na ako, I won't let him know na anak niya ang kambal. Hindi pwede, pagkatapos niya akong lokohin! Manigas siya!