HINDI ko alam kung Anong gagawin ko ngayon, andito na ako sa airport balot na balot ako dahil maraming media na nakapwesto. Alam kasi nila na uuwi si Miss Firefly sa pilipinas.
“ Anak, I already see your cousins.”
Napatingin naman ako sa gawi ng mga pinsan ko, winawagayway nila ang kamay nila patungo sakin.
“Daddy nahahalata ba ako ng mga media?” agad namang tumingin si daddy sa paligid at umiling ito.
Hawak hawak niya si Pixie at Paxton dahil gusto ng dalawang ito na mas Kasama ang Lolo nila kesa sa akin na nanay nila. Nang Makalapit na ako ng tuluyan sa mga pinsan ko ay agad Naman Silang nag sitilian.
“ Peeeenny!!” sigaw naman ni Sera at Amelia.
Napatampal na lamang ako sa noo ko. Natatakot kasi ako na baka mahalata ng mga media Ang galaw ko.
“Shh, wag nga kayong maingay” sambit ko Naman.
Di Naman nakinig Sakin Ang mga pinsan ko at agad Naman akong niyakap ni Sera at Beatrice. Maya maya pa nakisali na din si Amelia at Dorothy.
“D*mn you left us!” umiiyak na wika ni Sera. Naiiyak na din ako dahil miss na miss ko Sila.
“Sorry na, mag papaliwanag ako ngayon.”
“Ngayon pa talaga, My God Penelope! It's been 5 years...limang taon mo kaming iniwan ” reklamo naman ni Bea.
Alam na alam ko talaga na mag rereklamo Ang mga ito, mas Malala pa Sila sa teacher kung nanghingi ng explanation.
“Hey girls girls, di niyo man lang batiin ang pamangkin niyo” agad namang napatingin Sila Bea sa mga anak ko.
Nanlaki Naman Ang mga mata nila ng Makita nila si pixie at Paxton.
“Girl! Ito ba Ang anak niyo—”
“Shut up Amelia! Wag na wag mong banggitin Ang lalaking iyon!” inis ko namang wika sakaniya.
Nag zip mouth Naman siya bilang tugon sa sinabi ko sakaniya.
Agad namang lumapit si Bea sa mga anak ko at pinakilala Naman Niya Ang anak Niya. Malaki na ito at mukhang ahead lang ito ng ilang year.
“ Babies, This is Caitlin” sambit Naman ni Bea.
Kumaway lang Naman Ang mga anak ko at ngumiti sa pinsan nila.
“ Ang cute naman nila” sambit Naman ni sera habang nakangiti ng malapad.
“Gusto mo na rin ba ng ganiyan Sera? Ano...sasabihin ko na ba Kay Eros” natatawa namang wika ni Amelia.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Seraphina. “Subukan mo lang talaga, Ang hambog pa naman ng lalaking ’yon kung hindi lang niya ako pinilit di talaga ako papayag maging fake girlfriend niya.”
“Sys ang Sabihin mo gusto mo talaga siya kasi sikat na basketball player yang si Eros, gwapo at yan Ang mga type mo right?” Nakataas na kilay na wika Naman ni Dorothy.
Di naman umimik si Sera at umirap na lamang ito sa mga pinsan namin. Natawa na lamang ako at iiling, niyaya ko na lamang Sila na Kumain sa labas.
Sinunod Naman kami ni Mommy, agad Naman akong lumapit sakaniya at niyakap ko siya ng mahigpit.
“ I miss you so much mommy” sambit ko Naman sakaniya.
“ I missed you too my baby” wika nito.
Pumasok Naman kami, Ang mga pinsan ko Naman ay may Dala dalang kotse kaya di na Sila sumabay samin. Nag tungo Naman kami sa isang sikat daw na restaurant Dito. Hindi ko alam kung sino Ang nagmamay Ari dahil Sila Bea lang Naman Ang may alam.
Nang makarating kami ay agad na kaming Pumasok sa loob at nag tungo na sa lamesa na pinareserve nila.
“ Excited na excited talaga kayo na Makita ulit Ang pinsan niyo”, natatawa namang wika ni mommy sakanila.
“ Medyo lang Naman tita, Hindi Naman masyado may kasalanan pa siya samin” sambit naman ni B habang sinamaan ako ng tingin.
Iiling na lamang ako dahil hindi ko na talaga maiibsan Ang tampo nila sakin.
Maya maya pa ay nag serve naman Sila ng pagkain at kumuha Naman agad kami dahil gutom na gutom na talaga ako. Susunod na sana ako ng bigla namang mag salita Ang anak ni Bea.
“ Wait...Let us pray” sambit nito.
Nag tinginan Naman kaming mag pipinsan at agad agad Naman kaming sumunod sakaniya, Maya maya pa ay natapos Naman ito.
“ Beatrice Ikaw ba Ang may turo sakaniya ng ganiyang asal?”tanong ko Naman Dito.
“ Aba, ano sa tingin mo penny ul*l lang ako lagi” natatawa Naman niyang wika.
Iiling iling na lamang ako.
Maya maya pa bigla namang tumikhim si Seraphina.
“ Alam mo ba pen gwapo na ngayon si Thad”
Pinandidilatan ko Naman siya ng mata.
“ Psh, oa mo naman di Naman nila Kilala kung sino si Thad” natatawa namang wika ni Sera.
“ True yan, pero alam mo talaga Pen mas naging gwapo at manly siya tingnan ngayon yummy yummy!” wika Naman ni Amelia.
“ Hoy Amelia, mahiya ka Naman sa boss mong kalandian mo! Kung maka yummy ka Kay Thad!” awat naman ni Dorothy sakaniya.
“ Tsk! Gwapo Naman talaga siya Ang Dami nga niyang fans e. No wonder Inlove ka noon sakaniya” natatawa namang wika ni Amelia.
Iiling iling na lamang ako at Kumain.
“ Nga pala Amelia, Anong gagawin mo Dito sa pilipinas?”
Tumingala Naman ako at napatingin sa gawi ni Daddy, tumikhim naman si dad.
“ Ang ating business ay may kinakaharap na medyo Hindi madali na problema, pero will find solution”
“ yun lang ba Ang reason?” sambit Naman ni B.
Bumuntong hininga naman ako. “Hmm...May upcoming project rin ako dito sa pilipinas at kung magiging successful ’yon I will stay here for good.”
Nanlaki Naman Ang mga mata ng mga pinsan ko.
“Talaga penny! Omy g! We will rooting for your success” masayang wika Naman ni B.
“ Actually nag text na sakin Ang manager ko at mag sasign na ako bukas ng contract so maybe, ito na talaga Ang simula.” nakangiti ko namang sambit.
“ Iaadapt Ang story mo? Sino kaya Ang gaganap bilang male lead” natutuwa namang wika ni Amelia.
Sinamaan ko Naman siya ng tingin, dahil sa Dami daming pwedeng isipin Ang male lead pa talaga Ang iniisip niya.
“ Pwede bang manahimik ka nalang Amelia, Basta Ang akin lang ay naging successful itong first Novel ko. Ako din Kasi Ang screen writer para mapanatili ang original work ko.” nakangiti ko namang wika.
“ We're very proud of you Penny! Aabangan namin yan” nakangiti ng wika ni Sera.
“Thank you”
Ngumiti naman Sila at nag usap na ulit kami. Natapos Naman Ang gabing iyon na Puno ng galak at tuwa, agad Naman akong humiga at pinikit Ang mga mata ko.
“ Hoping our path will never crossed Thad.” sambit ko bago pa ako lamunin ng antok.