CHAPTER 2

2295 Words
Chapter 2 Eri   Patuloy kaming iginiya ng aming butler na si Mr. Bennet sa loob ng mansion. Nilampasan namin ang receiving area na kadalasan ay puno ng mga tao kapag meron kaming bisita rito. That part of the house was empty, so ibig sabihin ay wala kaming mga bisita. But the cars outside… imposibleng mga bagong kotse iyon na binili ni Ms. Terry. She doesn’t use our money like that. Lahat ng binili niya ay ipinapa-approved niya muna sa amin ni Fiya at sinisigurado muna niyang kailangan namin iyon.   We didn’t need new cars. Marami kami noon sa garahe.   Napailing ako nang marahan. Sigurado akong may mga bisita kami and them not being in the receiving room only meant one thing: nasa office sila ni Ms. Terry. Meron pa iyong isa pang ibig sabihin. Importanteng mga tao ang may dala ng mga sasakyang iyon at hindi sila nandito para i-celebrate ang birthday ng pinsan ko.   Pinaakyat kami ni Mister Bennet sa hagdan habang nakasunod pa rin siya sa amin ni Fiya. Sa taas ay naroon naman si Miss Danica, ang secretary ni Miss Terry, na siya ring madalas namamahala rito sa mansyon kapag busy si Miss Terry sa company. Si Miss Terry kasi ang iniwang acting CEO ni Lola roon since masyado pa kaming bata ni Fiya para mamahala.   “Good evening, young ladies.” Tipid ang ngiti na bati sa amin ni Miss Danica. Tumango kaming dalawa ni Fiya. Kung hindi lang ako kinakabahan ay baka binati ko rin si Miss Danica nang may malaking ngiti. But this time, I just couldn’t really make myself smile because of my damn nerves started eating me. “Miss Eri, I’ll escort you to your room.”   Kumunot ang noo ko roon. Mabilis na nilingon ko si Fiya na kausap na pala ni Mister Bennet, ni hindi ko man lang napansin. Sa east wing ng mansyon siya iginigiya ni Mister Bennet, much to my confusion kasi magkatabi lang naman ang mga kwarto namin. Bakit siya roon dadalhin sa east wing, e kwarto at opisina lang naman ni Miss Terry ang naroon?   Wait… di kaya? Para kay Fiya talaga ang mga bisita?   Suddenly, it all made sense.   No way…   “Fiya…” tawag ko sa atensyon ng pinsan ko. Lumingon siya sa akin, a small smile plastered on her face.   “You’ve figured it out now, huh?” natatawa niyang tanong. Her lips were lifter up in an amused smirk but her eyes remained cold. “Good night, Eri.”   Tinalikuran na ako ni Fiya at lumakad na siya palayo kasunod si Mister Bennet. Tulalang humarap ako kay Miss Danica. Her expression was gentle, understanding even.   Like she was silently telling me that she understood.   “Oras na ba, Miss Danica?” I asked. Alam kong alam niya rin ang tinutukoy ko.   She slowly nodded with a small smile that didn’t reach her eyes, her hands clasped in front of her stomach.   “I’m sorry Miss Eri, pero mahigpit na bilin ng Lola ninyo bago siya mawala na mangyari ito.” she said, obviously trying to be gentle with me.   Nanikip ang lalamunan ko. The corners of my eyes stung.   “She’s, at least, allowed to say goodbye to me, right?” Naiiyak na tanong ko. My voice even broke a little.   Ms. Danica smiled sympathetically before she sighed.   “I’m not sure about that, Miss. Sinabihan ako ni Miss Terry na ihatid ka sa silid mo ngayong gabi.” she explained.   “Kailan ba ang alis ni Fiya?” I asked, panic slowly bubbling inside me. “Her things aren’t even packed yet.”   Ngumiti lang ulit si Miss Danica sa akin. She looked apologetic suddenly. I immediately knew why.   “No way…,” I breathed out. Kaya ba… kaya ba kahit matagal kaming nawala ay ni hindi kami pinasundan? “Aalis na talaga siya ngayong gabi?”   Malungkot na tumango si Miss Danica.   “I’m so sorry, Miss Eri. Ito ang laman ng kasunduan ng Lola ninyo at ng academy.”   “But Lola’s dead already!” hindi ko napigilang isigaw. “Wala bang magagawa si Miss Terry?!”   Umiling si Miss Danica.   “I’m sorry, Miss. Pero wala na tayong magagawa.” masuyong sabi niya. Nawalan ng lakas ang mga binti ko at napaupo ako sa sahig. “Miss Eri!”   Mabilis na lumuhod si Miss Danica sa tabi ko, trying to get me to stand up again.   “Aalis na si Fiya…” I said, more like whispered. I chuckled dryly. Nahampas ko ang noo gamit ang sarili kong kamay habang natatawa ako na may tumutulong mga luha sa mukha. “Stupid me! How can I forget?!”   Seriously, how?   Tumingin ako kay Miss Danica, silently asking her my silly question that was made for me, by myself.   Ngumiti lang siya sa akin.   “You’re not exactly the type to remember serious things for a long time, Miss.” Miss Danica jokingly said. Napanguso ako, crossing my arms on my chest like a petulant child. Natatawang tumayo na si Miss Danica, masuyo pa rin ang tingin sa akin. She dusted the invincible dusts from her pencil skirt. “Tumayo ka na diyan, Miss Eri. Ihahatid na kita sa kwarto mo bago ako bumalik sa opisina ni Miss Terry. Susubukan kong gawan ng paraan na makapag usap kayo ni Ms. Fiya bago siya umalis.”   Mabilis na napa angat ang tingin ko kay Miss Danica, my eyes already shining with tears again.   “Talaga?” parang bata na hindi makapaniwala kong tanong. Nakangiting tumango si Miss Danica.   “Susubukan kong may magawa para makapag usap kayo.”   Napangiti ako nang malaki, kuntento na sa sinabi ni Miss Danica kahit alam kong hindi siya nangangako.   Miss Danica walked me back to my room. Sa kama ako dumiretso at naupo ako roon. Si Miss Danica naman ay dumiretso sa ensuit bathroom. She was readying the bath for me so I could wash up, just like what she have done for me and Fiya since she was eighteen and Fiya and I were still kids.   “Thank you.” nakangiti kong sabi kay Miss Danica after niya maihanda ang bathtub para sa akin.   I wasn’t sure how long I was in the water but it helped me clear my mind a little.   Dapat hindi na ako nagulat. Lola had told us about this before. Kahit si Miss Terry ay lagi ring ipinapaalala sa amin ang tungkol sa bagay na iyon.   It was about this prestigious school for students who’re future leaders. Bata pa kami ay sinabihan na kami ni Lola na roon kami mag-aaral ng tungkol sa pamamahala ng business namin. That academy would hone us to be the next leaders of our corporation.   I didn’t put much thought about it that time. Naisip ko lang noon na it does makes sense since mamanahin naming dalawa ang company balang araw. We need proper training for it.   Iyon ang silbi ng academy.   Umiling ako at tinampal tampal ang aking magkabilang pisngi, trying to wake myself up from the sudden flood of thoughts.   Hindi ito ang tamang oras para mag isip ako nang malalim tungkol dito. For now, dapat ay mag-focus ako kay Fiya.   Si Fiya!   Damn it, I got distracted again!   Dali dali akong umahon sa tub at nagtuyo ng katawan. I quickly showered off the remnants of my bath. Paglabas ko ng washroom ay nakahanda na ang pantulog ko sa kama. Mabilis na isinuot ko iyon. I also hurriedly pulled my hair in a loose bun. Pagkatapos ay binuksan ko ang pinto. Ready na sana akong tumakbo palabas nang magulat ako dahil kay Miss Danica na nakatayo na sa labas.   “Oh my gosh!” I shrieked. Napasinghap rin si Miss Danica bago siya napahawak sa kanyang dibdib.   “Miss Eri!” nanlalaki ang mga matang sabi ni Miss Danica. “Nagulat po ako!”   “Halata nga. “ natatawang sabi ko. Nilampasan ko na siya para pumunta sa sala at antayin si Fiya na umalis.   “Miss Eri…” Miss Danica hesitantly said. Kumunot ang noo ko bago ako napahinto. Was something the matter?   “Bakit?” tanong ko. Tumaas ang kilay ko sa weird na inaakto ni Miss Danica. She seemed… nervous.   Bumilis ang t***k ng puso ko. Para bang napasa sa akin ang kaba ni Miss Danica.   I didn’t like it. I didn’t like what this feeling implied.   Huminga nang malalim si Miss Danica. She pulled something out of her skirt’s front pocket. Mabilis na napunta roon ang tingin ko. Inilahad sa akin ni Miss Danica ang papel.   “What’s that?” Kinakabahan lalong tanong ko. Bakit ba nagsasayang pa ako ng oras kakatayo rito? I need to go down for Fiya. But I wasn’t making a move to go because there was something with Miss Danica’s actions that made me stoned in place.   “Ipinabibigay po ni Miss Fiya.”   My breath hitched. Ni hindi ko na nagawang mag isip at basta na lang ako nagsimulang umiyak.   I didn’t remeber much after that. Alam kong inalalayan ako ni Miss Danica pabalik sa loob ng aking kwarto. She helped me settle on my bed and calmed me down until I stopped crying. Pinainom niya ako ng gatas at hindi niya ako iniwan hanggang sa makatulog ako.   Kinabukasan ay tsaka ko lang binasa ang sulat na iniwan sa akin ni Fiya.   Months quickly passed by after that. Sa buong walong buwan na tiniis kong wala si Fiya, naiiling ako sa tuwing maaalala ko ang ginawa niyang pag alis na hindi man lang ako hinayaang magpaalam sa kanya.   “Fiya wanted to go before you caught up to her.” bungad sa akin ni Miss Terry noong umaga habang kumakain ako ng breakfast. “Ayaw niya raw na makitang umiyak ka dahil aalis siya, since eight months lang naman at magkikita rin kayo ulit.   Paulit ulit kong binasa ang sulat na iniwan niya. Doon ako kumukuha ng lakas ng loob sa bawat araw. We used to be together, always. Sabay na nag-aaral; sabay kumakain. She was my cousin and best friend all rolled into one. Kaya naman sobrang apektado ako na wala ang presensya niya sa manor.   I was actually very thankful to Miss Danica for all her efforts in distracting me. Siya ang pumalit kay Fiya kaya siya ang na kasama ko araw araw. Kahit sa pagkain ay sinasabayan niya ako, so that I wouldn’t feel lonely. Masyadong malaki ang dining table namin at noong mga unang araw pa nga ay umiiyak pa ako dahil mag isa na lang akong kumakain doon.   Sa mga lessons ay siya pa rin ang nagtuturo sa akin. That part didn’t change though. Siya naman talaga ang tutor namin ni Fiya. Kaya nagtataka rin talaga ako sa position title niya kasi secretary naman siya ni Miss Terry pero mas mukha siyang babysitter s***h teacher naming. What she does was more inclined to me and Fiya rather than helping Miss Terry with the company   We became closer than ever. Pero kahit ganoon ay iba pa rin dahil hindi naman nawala ang boundary sa pagitan namin. We were friends but she was still respectful to me despite being older. Ni minsan ay hindi niya sinubukang palitan si Fiya sa buhay ko.   “What are you going to do after I enter the acedemy?” tanong ko kay Miss Danica matapos ang morning schedule ko. Curious ako since ang alagaan kami ni Fiya ang main job ni Miss Danica kahit pa sabihing secretary siya ni Miss Terry. It was like her title was just a fancy version of a babysitter.   At dahil papasok na rin ako sa academy, finally, after eight long months ay gusto ko malaman kung ano na ang gagawin ni Miss Danica. I care about her like that afterall. “Handa na ang posisyon ko sa company ninyo bilang head secretary ni Miss Terry.” nakangiting sagot ni Miss Danica. She put all the books I used away. “I will do real secretarial jobs.” Nginisian ako ni Miss Danica, pabiro. She knew about what I thought about her job. Na naguguluhan ako na secretary siya pero parang more on pagaalaga sa amin ang ginagawa niya. “Excited ka na bang pumasok sa academy?”   Mabilis na tumango ako. My smile was so wide it could hurt if I did it for a long while.   “Hindi na nga ako makapag hintay!” ungot ko. Natawa si Miss Danica.   “Don’t worry, Miss Eri. Bukas ay ihahatid ka na rin sa academy.” ngitnitian ako ni Miss Danica. It was obvious that she was happy for me, too.   Wala akong ginawa noong gabi kung hindi ayusin ang mga damit na dadalhin ko sa academy. Miss Terry told me that they would provide my uniforms and other academy clothes kaya hindi ko raw kailangan magdala nang marami. She packed my favorites, though. Para raw hindi ko naman masyadong maramdaman na magbabago ang normal ko for the nest few years.   Kahit ang magtaka kung bakit sa araw mismo ng birthday ko ay tsaka lamang ako papasok sa academy ay hindi ko na nagawa, kahit pa pumasok din talaga iyon sa isip ko paminsan minsan. The thought just comes and goes randomly kaya hindi ko rin masyadong pinagtuunan ng pansin.   Maaga akong nahiga pero hindi ako kaagad nakatulog sa sobrang excitement.   Finally, I’ll see Fiya again!   *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD