FLAMES 08: Love Letter

2732 Words
Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong nakakulong sa mga bisig ni Akihiro. Nablanko bigla ang utak ko. Hindi ko na nga rin namalayang wala na siya't umalis na kung hindi pa sumigaw si Icy na siyang nagbalik sa'kin sa reyalidad mula sa pagkakatulala. Kasama niya na si Schroeder na may pinaghalong gulat at pag aalala ang ekspresyon nang makita ang instruments sa sahig. "ANONG NANGYARI RITO?!" Lumapit agad si Icy sa mga intruments na ngayon ay sira sira na. While Schroeder who's just beside her comes to me and asked me if I was alright? I nodded, slowly. Ako, ayos lang. Pero 'yung puso ko hindi ako sigurado. Sobrang bilis pa rin ng t***k nito. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba na muntik na pala akong madaganan o dahil sa yakap ni Akihiro. I don't know. "LAGOT TAYO KAY SIR NITO!" Icy irritably looked at me. "GURL!!" "Hindi a..ako ang may gawa niyan." Mabilis kong sagot bago niya pa ako pagbintangan na pinakialaman ko ang mga instruments kaya ito nagbagsakan. "EH SINO ANG MAY GAWA?! MULTO?! IKAW LANG NAMAN ANG TAO DITO." "ICY." "ANO?! Ipagtatanggol mo 'yang bestfriend mo? Papagalitan tayo ni sir nito Schroeder. Halos lahat ng instruments ay sira oh!" "Hindi mo kailangang sumigaw." "Oh edi bubulong." She stopped and whispered. "Tangina papagalitan tayo ni sir bhie." I tried my very best not to cry and explain what really happens pero nag aya na si Icy papunta sa faculty room para isumbong ang nangyari. Ayaw pa ni Schroeder noong una. Kasi gusto niya na makita muna ng iba pang member nila bago ipaalam sa music club teacher nila. Para daw imbes na ako ang pagalitan ay silang members as a whole ang mapapagalitan. Na hindi naman sinang ayunan ni Icy. Tama nga naman si Icy. Bakit idadamay ang ibang taong hindi naman talaga involved? President pa naman siya ng club nila tapos ganiyan ang pasya niya? Though, gets ko naman na he's just trying to protect me. But it's wrong. Ayo'kong madamay ang ibang inosenteng tao. Haharapin ko 'to kasi alam ko sa sarili kong wala akong kasalanan. Sumama nalang ako sa faculty room kahit na any moment from now ay maiiyak na ako sa kaba sa posibleng maging reaksyon ng teacher nila. As expected, nagalit ang teacher nila pagdating namin sa faculty nung sabihin ni Icy ang masamang balita. Tumingin ito kay Schroeder kaya bago pa nito pagalitan ang bestfriend ko ay nagtaas na ako ng kamay para magsalita. "Ako lang po ang nasa music room nung magiba ang hanging cabinet ng instruments." Nang tignan ako ni sir, alam kong namukhaan niya ako na ako rin yung babaeng nakasira ng wooden flute niya. Now, I'm dead. "You again?!" Yumuko ako at nagsimulang magexplain kahit hindi ko alam kung paniniwalaan ba ako ni Sir. Lalo pa't may record na ako sa kaniya na nasira ko ang isa sa instruments nila. Kinuwento ko ang nangyari magmula sa pagalis ni Icy ng room hanggang sa pagdating ni Akihiro. Pinahid ko ang luhang hindi ko namalayang tumutulo na pala. Sandaling natahimik si Sir at maya maya lang ay napagdesisyunan niyang ipatawag kay Schroeder si Akihiro. I don't know if Akihiro will say the truth but I'm hoping against hopes that he will. Dahil ayo'kong mapatawag si mama at pagbayarin sa mga instruments na hindi ko naman talaga nasira. Minutes later, dumating si Schroeder kasama ang apat na lalaki. "Apat ba kayong may pangalang Akihiro Fujikawa?" Pamumuna ni Sir sa tatlong nakabuntot sa likuran ng pumasok na si Akihiro. "Sabi sa'yo doi, si Fujikawa lang eh. Chismoso ka talagang hayop ka." "Gago tara na lipad." sabi nung isang nakatingin kay Icy. Umirap si Icy rito, dahil siguro nainsulto ang airport niya. Pag alis nung tatlo, nakapamulsang sumandal sa dingding si Akihiro. Tinanong siya ni Sir kung totoo ba ang sinabi ko. We all looked at him, waiting for his response. And when he finally said yes, nakahinga ako ng maluwag. Thank goodness, akala ko hindi siya magsasabi ng totoo para inisin na naman ako. Dahil laging nakakainis ang lumalabas sa bibig niya. "She's just stupid not to avoid a falling object. I anticipate she's also that stupid to catch someone who fell inlove with her." Hindi na namin narinig ang huli niyang sinabi dahil humina ang boses niya nung tumalikod na siya't umalis. Pero sigurado akong insulto rin iyon gaya ng nauna niyang sinabi. Lagi naman siyang gano'n tuwing magsasalita siya. Kailangan ko ng masanay. Basta ang importante, hindi siya nagsinungaling. He saved me, not twice but thrice. "Icy, mag uusap tayo." Agad na wika ni Schroeder paglabas namin ng faculty room. "Ano? Ayo'ko makipag usap sa'yo tanga. Sa mga jowa ko sa w*****d lang ako kakalampa-Aray putangina nasasakal ako!" Hindi na siya nakapalag pa dahil hila hila na ni Schroeder ang likod ng T-shirt niya. Natawa na lang ako sa kanila. "Una na'ko sa room. Take your time guys! Sa lumang cr ng girls masarap mag usap! Walang iistorbo sa inyo don!" Sigaw ko bago tumalikod at umalis. Ang cute nila. **** Weeks had passed after that incident sa music room ay bigla na lang napadalas ang pagsulpot ni Akihiro sa tuwing mapapahamak ako. Hindi ko alam kung crush niya ba ako at ini-stalk niya ako o nagkakataon lang talaga na umaatake ang pagiging clumsy ko whenever he's around. Lagi nalang kasi eh. Para bang sinasadyang darating siya sa tuwing mapapahamak ako. Tulad na lang nang nangyari ngayon at nung mga nakaraang araw. Una, noong nagpapractice kami ni Denise ng table tennis. Napalakas ang serve ni Denise nung makita siya. Kaya muntik na akong tamaan sa mukha kung hindi lang siya biglang sumulpot sa likuran ko at sinalo yung bola. Pangalawa, nung pababa ako ng hagdan, natalisod ako. Pero bigla siyang sumulpot at sinalo ako. Tapos ngayon naman sa fooftop nung tumayo ako para magpahangin at mas makita ang view sa baba, bigla na naman siyang dumating tapos hinila ako paalis doon. Then I'll end up receiving an insulting rants from his filthy mouth again. Para ngang nakalimutan niya ng takot siya sa babae at babae ako na lagi niyang dinidikitan. Para ring nakalimutan niyang hindi kami friends. Pfft. Dahil tuloy sa paglapit niya sa'kin napagdidiskitahan na ako ng mga fanghorls niya. Lapit daw ako ng lapit sa bebeboi nila eh ako naman 'yung nilalapitan ng baklang 'yon. Buti na nga lang lagi kong kasama sina Schroeder at Faren. Kaya hindi nila mahawakan ni hibla ng buhok ko. Akala siguro nila crush ko si Akihiro eh loyal na ako sa isa diyan. Sa isa diyan na kanina ko pa pinapanood sa pagpapractice ng basketball. Pawis na pawis na siya. Ang unfair, sobrang guwapo niya parin kahit wet look. Parang ang sarap niyang lapitan at punasan ng.... "Ay gago!" Parang humiwalay sa leeg ko ang leeg ko nang matamaan ako ng bola sa mukha, dahilan upang magtawanan ang ibang babaeng nakakita. Tinignan ko ng masama ang dalawang salarin. Si Schroeder at Icy na tinatawanan rin ako. "Ano bang problema niyo!" Inis kong dinampot ang bola "Nananahimik ako dito eh. Tangina niyo." Tawa pa rin sila ng tawa. At gano'n rin ang ilang teammates nina Faren ng mapalingon sa'kin. Si Euchleid lang ang hindi ko nakitang nakatawa pero siguradong nahihiya lang siyang makitawa. Piste! Nakakahiya! "Sorry hindi ko sinasadya. Si Icy kasi." "Anong ako gago. Nanisi ka pa, eh ikaw 'tong tanga na naghagis." "Bakit ako sinisisi mo. Ikaw 'tong tanga na hindi marunong sumalo." Dahil sa inis ko ibinato ko ng malakas 'yung bola pabalik sa kanilang dalawa. Kaso mabilis silang nakailag kaya iba ang natamaan. At kung minamalas nga naman. Balls pa ang natamaan ko and guess what's worst? Balls ni Euchleid ang natamaan ko. Everyone gasped. Shame engulfed me as the girls started to stare angrily at my direction. Kitang kita ko sa mukha ni Euchleid ang sakit nung matulala siya't dahan dahang mapaupo sa sahig. Nilapatan agad siya ng mga teammates niya at pinagtulungan siyang itayo para dalahin siguro sa clinic. Tangina. Nakatama ako ng ano..ano...! I can't look at his down there. Basta 'yun. Taena. Anong gagawin ko?! Natamaan ko si Euchleid sa birdie. Ang lakas pa naman ng pagkakabato ko. Dahil buong puwersa ko iyong binato sa dalawa. "Lagot ka." Lumapit sa'kin si Schroeder at Icy para lang asarin at takutin ako. "Oo nga gurl, sa lahat ba naman ng tatamaan mo. Etits pa ni Euchleid. Lagot ka sa fans nun. Pinag iinitan ka pa naman ngayon ng fans ni Akihiro. Baka magsanib puwersa na 'yung mga 'yon." Napakusot ako sa mata ko nang magsimula akong maiyak. Bakit ba ganiyan sila. Imbes na aluhin ako, mas tinatakot pa ako. Mga demonyo. "What the... huwag kang umiyak. Baliw." Pilit na inaalis ni Schroeder ang kamay kong kumukusot sa mata ko. "Bakit ka kasi umiwas Icy, ha?" Ngayong umiyak na 'ko saka niya sasabihing huwag akong umiyak eh pinaiyak nila ako? Anong gusto niya? Gawin ko yung opposite kasi gano'n ako lagi kapag inuutusan? "Ano? Ako nanaman. Umiwas ka rin naman. Kung hindi ka umiwas edi sana manoy mo ang natamaan." "Kayo kasi eh!" I cried out. "Tsk tsk." Pinahid ni Schroeder sa mukha ko ang benchbath niya nang alisin ko ang kamay ko sa mukha ko. "Okay, sorry na. Hindi ka naman masasaktan ng fans no'n. Nandito ako oh." Tinapik niya ang muscle niya. "Uuntog ko dito mga aaway sa'yo." He laughed. "Yeah, don't worry gurl. Bago ka maaway ng mga fans no'n dadaan muna sila sa'min tapos hihingian ko ng pagkain. Char. Magsorry ka nalang kay Euchleid. Oh kaya hipan mo yung nainjure mo sa kaniya." "Bastos talaga ng bunganga mo." "What?!" Icy innocently asked. "Tama naman ah? Noong mga bata pa tayo. Hinihipan ng mga parents natin yung injuries natin. Hindi ginawa 'yon sa'yo?" "Anong gusto mo, hipan ni Fartzey ang ibon no'n?" "Ay. Puwede naman. Parang kandila lang ahahahaha." Pinaltikan siya ni Schroeder sa braso gamit ang benchbath. Napamura siya at nagsimula na naman silang mag asaran at naiwan ako sa puwesto kong iniisip kung paano ako hihingi ng sorry kay Euchleid. Sobrang sakit siguro nu'n. Minsan ko ng nakita ang isa sa mga kaklase namin nw namilipit sa sa'kit nung bayagan ng jowa eh. "Hoy Fritzey saan ka pupunta?!" Hindi ko na sila pinansin pa pagtayo ko. Alam kong ayaw nila akong umalis mag isa dahil baka bigla nalang akong sugudin ng fanghorls ni Akihiro. Pero nagugutom ako. Besides, hindi ako komportable sa mga babaeng nakatitig sa'kin ng masama. Pagdating sa cafeteria, umorder ako ng chicken stew with dumplings. Naghanap ako ng puwesto. Mayroon pang unoccupied sa dulo. Naglakad ako papunta roon at nung malapit na ako at abot kamay ko na ang upuan ay may bigla namang umupo doon. Napasinghap ako ng makita ko siya. Wala naman siyang in-order. Tubig lang ang dala niya. "Oppss." He looked blankly at me. "Masyado kang mabagal." I should be pissed with him but I was amazed on his filipino accent. It's sounds...sexy? What?! No. Did I just say sexy?! UGH. Ang pangit niya magtagalog. "Puwede ba, Akihiro? Kakain ako. Umalis ka diyan. Wala ka namang biniling pagkain." "What? I buy this here. I have the rights to seat here." He sneered. Pinagtinginan kami ng mga kumakain at dumadaan. Tsk. Kaya nga ako umalis sa basketball court para makaiwas sa masamang tingin nung mga babae. Wala rin pala akong lusot ngayon dito sa cafeteria, dahil sa weirdong lalaki na 'to. Right. If I don't want to be involved with this guy. Ako nalang ang iiwas na mapadikit sa kaniya. "Okay nevermind. Saksak mo sa bagang mo yang table." I walked out. Sakto namang may nakita akong dalawang babaeng tapos na kumain. Lumapit agad ako sa kanila para mareserve ko na yung table. Pagtayo nila, tinignan nila ako. I don't know if it's just me, pero ang taray ng tingin nila sa'kin. Tumingin pa sila sa isa't isa bago ngumiti. And all of a sudden, nakita ko nalang ang tray na hawak ko na nasa sahig. Tapos nabahidan na ang uniform ko ng inorder kong pagkain. My jaw dropped as I looked at them. Anak ng tinapa. Fanghorl 'ata ni Akihiro ang dalawang 'to. Nakuyom ko ang kamao ko dahil sa atensyong nakuha ko. Everyone's laughing and cheering. Parang gusto nilang magkaroon ng show ngayon rito at kaming tatlo ang magsisilbing performer nila. Gusto kong lingunin si Akihiro at sabihing look what have you done for coming near me. But I couldn't move a nerve. "Ow, sorry." Natutop ng babaeng nakaponytail ang labi niya. Probably, siya ang tumabig sa pagkain ko. "Let me fix my mess. Wait." Akala ko sincere siya na aayusin niya ang dumi sa uniform ko kasi hindi niya sinasadya. Pero nung makita kong kinuha niya ang mop na hawak ng janitor. I knew that she really did it on purpose. Akmang ipapahid niya na iyon sa uniform ko nang bigla nalang may nagbuhos sa mukha niya ng tubig mula sa likuran ko na sinundan ng kulay yellow na tubig, juice 'ata. Hindi pa man nagsasalita ang nagbuhos sa kaniya, sapat na ang naging reaksyon nilang lahat para sabihing si Akihiro ang gumawa no'n. "Sorry." Lumapit siya sa babaeng kaharap ko at kinuha rito ang mop. "Let me fix my mess." Gaya niya sa linya ng babae. Puno ng pandidiring sumigaw ang ibang babae nang talagang ipinahid ni Akihiro sa mukha nung babae 'yung mop. Kahit ako ay biglang nandiri sa ginawa niya. Kaya pinigilan ko agad siya at kinuha yung mop sa kamay niya. "Ano bang ginagawa mo?!" singhal ko sa kaniya. "Ang dumi dumi nito tapos ipinahid mo sa mukha niya?!" The girl started to cry. Tumakbo siya paalis. "Kita mo na?!" I yelled at him. "You really are that stupid." Walang emosyon niyang bulong bago ako iniwan sa puwesto ko. What?! Bakit siya pa ang may ganang magalit?! He's so impossible. Iniabot ko sa janitor yung mop para malinis niya yung mga kalat tapos ay hinabol ko si Akihiro. Hindi pa rin siya lumilingon kahit sigaw na ako ng sigaw. Nung makarating na kami sa rooftop doon lang siya tumigil at lumingon sa'kin. "Magsorry ka sa babaeng 'yun." I demanded. "No." "Hindi ka ba naaawa? Pinahiya mo yung tao sa maraming tao." "So what?" "May saltik ka ba? Noong una ako, ininsulto at pinaiyak mo. Tapos yung babae pinahiya at pinaiyak mo naman. May galit ka ba sa'ming mga babae?" "Watawat." Parang gusto ko siyang sapakin nang gayahin niya yung pang aasar ko noon sa kaniya sa music room. Lumapit ako sa kaniya. "Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo." "Share mo lang?" "AKIHIRO NAMAN EH! MAGSORRY KA DO'N!" Putak lang ako ng putak. Mas nilakasan ko ang boses ko nang mairita siya at sabihing manahimik na ako para lang sumuko siya't sundin ang sinabi ko. Pero ako rin ang napasuko nang ilapit niya ang mukha niya sa'kin. Damang dama ko ang hininga niya. Konting maling galaw, maglalapat na naman ang labi namin sa pangalawang pagkakataon. But I won't let that happen. Umatras ako. "S-sige na kasi." I said almost whispering. "I'll apologize, in one condition." He uttered. Sandali akong hindi nakaimik. "Ano?" I saw him smirk. Kaya kinabahan ako. At pinagsisihan kong tinanong ko pa kung ano ang kondisyong hihingin niya dahil matapos no'n ay hindi na natahimik ang utak ko dahil sa sinabi niya. **** "Nasaan ba kasi ang susi? Kunin mo kay sir, Schroeder" "Ikaw na." "Ang tamad mo naman kukunin lang eh." "Mas tamad ka, ikaw nag uutos 'di ba?" "Kingina mo." "Bukas mo na kasi kunin 'yung gitara." "Tss. Sige na nga. Buwiset. Ba't kasi nila-lock pa ng siraulong nasa loob yung pinto." Hinawakan ako ni Icy sa braso at inaya ng umalis. Si Schroeder naman ay nanatili sa may pinto at patuloy pa din sa pagkatok ng pintuan. May tao kasi sa loob. Rinig namin na may kumakanta at tumutugtog ng piano pero ayaw lang kami pagbuksan ng pinto. "Peste. Meron na 'ata ako. Punta tayo sa locker room. Kukuha ako ng napkin sa locker ko." Tumango lang ako sa sinabi ni Icy. Mabilis akong napayuko nang makasalubong namin si Euchleid. Hindi pa ako nakakapagsorry sa kaniya sa nangyari. Kaya wala akong mukhang maiharap. Nahihiya pa rin ako. "Gurl, nagsorry ka na ba kay Euchleid?" Icy asked nang makalagpas na si Euchleid. Umiling ako. "Tanga magsorry ka na. Hindi maalis yung titig niya sa'yo hanggang makalagpas tayo eh. Gigil siguro 'yon sayo deep inside." Magsosorry naman ako. Pero papalipasin ko muna ang hiya ko. Tsaka hahanap muna ako ng pagkakataon kung saan walang tao. Ayo'kong lumapit sa kaniya ngayong kumalat na sa campus na nabato ko si Euchleid sa toot toot niya. Hinawakan ni Icy ang door knob pagdating namin sa girl's locker room. Pareho kaming napaiktad sa gulat nang may sumulpot biglang lalaki mula sa loob. Nanlaki ang mata namin at ako naman ay napanganga nang makita naming si Akihiro ito. Ano naman ngayon ang ginagawa niya dito sa locker ng girls? "Bakit nandito ka sa locker namin?" For the second time, nabakasan ng emosyon ang mga mata niya at iyon ay ang pagkagulat at pagkataranta. Mabilis niyang itinago ang kamay niya sa likuran niya nang mabaling ang tingin ko doon. Pero huli na ang lahat dahil nakita ko na ang hawak niya. And it's a love letter. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD