FLAMES 02: Eye Contact

3202 Words
If you will be asked. Ano ang pangyayari na  mas masakit pa sa break up? 'Yung maputol ang mahaba mong kuko, Masira ang lightstick mo sa paborito mong kpop group o 'yung tumama sa kahit anong nakakatusok ang private part mo? Masakit 'yung pangalawa as a die hard fangirl. Pero para sa'kin mas masakit pa rin talaga 'yung pangatlo bilang babae. Ponyawa. No one can beat that. Proven and tested since the tables are being invented. Feeling ko tuloy hindi na ako virgin kasi laging nauuntog nene ko sa kanto ng lamesa. And now, nauntog naman siya sa dulo o hawakan ng mop. Nakaka-ugh...inis. Buwiset kasi. Paglabas ko kanina sa cr mukha agad nung guwapong lalaking lagi kong nakakatitigan bumungad sa'kin. Edi nataranta ako. 'Di pa ako recovered sa nangyari kanina tapos makikita ko na naman siya? Beke nemen, time out muna. So tumalikod agad ako para hindi niya ako makita without even knowing na may estante pala ng mop sa likuran ko at hindi nakaayos ang salansan, may nakausli pang handle. Kaya ang ending? Viola! Nabored na naman 'ata si satanas at nagmistulang sandata niya na tumusok sa kwek kwek ko ang handle ng mop. Hindi niya nga ako nakita, nauntog naman second mouth ko. Piste. 'Di namannsiya gutom pero sinusubuan. Yawaers. 'Di naman masakit. Look, I can still smile. Hehe. Pero swear, isinusumpa ko talaga yung mga janitor na incharged doon sa cr. Hindi nila inaayos ang trabaho nila, binabayaran sila ng maayos. Pasalamat nalang sila kasi voucher lang nagpapaaral sa'kin dito sa school. Kung anak ako ng may ari ng school na 'to, patatanggalan ko sila ng trabaho kay Daddy. No one can hurt his princess. Hmp! Chareng, mangarap ka ng gising self. “Anong mukha 'yan, gurl. An'yare sa'yo?” Tinawanan pa ako ni Icy paglapit ko sa kaniya. “May dalaw ka ngayon?” “Wala, nauntog lang meow meow ko sa hawakan ng mop.” I winced. “What?!” She laughed at me, “Lagi nalang nauuntog 'yang kipay mo gurl, baka mabaog ka na niyan.” Ayos lang. Ayo'ko rin naman magpaanak sa future asawa ko kasi takot ako manganak. Duh. Masakit daw kaya 'yun. “Masyado ka kasing clumsy gurl.” Dugtong niya pa. What ever. Hindi ko naman kasalanang clumsy ako. Kasalanan nung lamesa at mop. Hindi ako iniiwasan. “Ano na ang nangyari sa confession ni Mary?” I  asked, instead, changing the topic. Hindi ko na naabutan yung ganap kanina. Pero dinig ko sa ibang nagbubulungang estudyante, ang tindi daw ni Mary, ang lakas ng loob. Sana all daw may lakas ng loob na umamin. “Ayun, nasampolan ni Euchleid ng iconic line niyang 'Thankyou, but I'm not interested on desperate people.' Iyak siya eh. Dare pa mo—” “ANO?!” Tama ba ang narinig ko? Paanong...bakit?! Oh my God! What happened?! Hindi gumana ang pair up ko?! Grabe naman yung sinabi niya kay Mary. Ang sakit! Porket guwapo siya at entitled as King of heartthrobs? Kung guwapo nga talaga siya... “Ba't gulat na gulat ka? Eh obvious namang maba-busted iyong si Mary. Hindi naman kilala ni Euchleid 'yon eh plus hindi siya type no'n.” “Wala lang...” Natulala ako. Bakit gano'n? Dapat hindi nabusted si Mary eh. Kahit pa hindi siya ang tipo ng heartthrob na 'yun, if they're compatible with each other at iginawad na ng libro ko ang tadhana nila, magiging sila. Tapos ang usapan. Kahit sabihin pang imposible sa paningin natin na magustuhan tayo ng isang tao. Posible iyon sa libro ko, basta ba love at marriage ang result. Kaya bakit hindi nangyari ang sa kanila? What's wrong with Mary and that Euchleid? Mali ba ang bilang ko? Dapat ba ay acquaintance ang result nito at hindi love? Pagdating namin sa room naabutan naming umiiyak si Mary. Some of our classmates are now comforting her. May naghahagod ng likod niya at nagpapaypay sa kaniya. I think sila ang nagdare kay Mary na magconfess. Shet! She's hysterically crying. Kahit naman siguro ako ay maiiyak ng sobra kung ako ang nasa sitwasyon niya. Lalo na't softhearted ako at sensitive masyado. Lesson learned: Don't confess. “Akalain mo 'yun may mas tatanga pa pala kay Fritzey.” I heard Riley saying to Icy pag upo namin. Buong last subject, naging pre-occupied ang utak ko. Walang ibang nasa utak ko kun'di ang nangyari kay Mary. Hindi ko naman masabi kina Riley at Icy ang tungkol sa pagpe-pair up ko sa dalawa, kasi hindi pa nila alam ang tungkol sa sikreto ko. Tanging ang magpinsan pa lang ang nakakaalam. Ugh! This is insane! Hindi kinakaya ng low IQ ko. Pag uwi sa bahay kinuha ko agad yung libro ko para ulitin yung pair up. Naisip ko na baka nga mali lang ako ng bilang. Nangyayari iyon minsan kapag nagpepair up ako. Kaya baka nga. When I'm done pairing them up, love parin talaga ang result. So, I wasn't mistaken. Tama ang bilang ko. The only strange thing here is...just like the first pair up, hindi pa rin ito umilaw ng ginto kahit tama naman siya. So, ibig sabihin...hindi talaga gumana ang pagmatchmake ko sa dalawa... PERO BAKIT?! ANO'NG NANGYARI?! OH MY GOD! DID I...LOSE MY...ABILITY NOW?! WHAT THE f**k! I immediately dialed Faren's number to tell this to him kasi feeling ko sasabog ako rito, kung wala akong makakatulong na mag isip. Wala pa naman si mama kasi nagreunion kasama ang mga ka-batchmate niya noon.  Kaya wala akong makakausap dito na may alam tungkol sa ability ko. But unfortunately Faren's unavailable right now, so I'm left with no choice but to call the son of a bleach. “Walang yelo. Pero pandesal meron.” Bungad ng magaling na si Schroeder. I rolled my eyes. “Hindi dapat kita kakausapin kasi galit ako sa'yo pero wala akong choice—” “Tumawag ka ba para ipamukha sa'kin na pinipili lang ako kapag wala ng choice? Awts. Sakit naman.” He cutted me off. “Charot. What do you want from me, milady walang didi.” Tumawa siya. Puta. Calm down Fritzey, huwag kang maiinis. Ignore what you just heard. He's really always like that since childhood. Be used to it. “Punta ka dito. Gusto ko ng kausap.” “Usap lang?” Tumaas ang kilay ko. “Bakit, puwede ka rin bang upakan?” “Tinatanong ko lang baka pagsamantalahan mo na naman ang katawan ko. Mahirap na.” Ang assuming talaga ng isang 'to. Hello, hindi na kita crush kaya bakit kita pagnanasahan. “Wag na nga lang!” “Charot. Pupunta ako. Sa isang kondisyon.” Okay. Kapag ito kalokohan lang tatadyakan ko siya sa mukha pagdating dito. “Okay, ano yun?” “Pumayag ka na sa sinabi ni Tita. Diyan ako matutulog sa inyo hanggang sa makabalik siya.” “ANO?! Ayoko nga!!” Hindi naman na ako kailangang bantayan rito. Nakadouble lock naman na ang pinto ng bahay pagkakahatid nila sa'kin galing school. Super safe na ako. Tsaka hindi rin naman ako natatakot mag isa kasi binabantayan naman ako ng pusa kong si Oreo. So, 'di ko na kailangan ng kasama. “Edi hindi ako pupunta. Bye…” “Hoy teka lang!” “What? May sasabihin ka pa?” Saglit akong hindi nakaimik. Papapuntahin ko ba siya? Baka kasi buwisitin niya lang ako lagi kapag nag stay siya rito eh. “Ano...” A sudden knock on the door stopped me. I heard him say don't open it dahil baka kidnapper but something in me tells me to open it. Ewan, kapag talaga inuutasan ako, I always do the opposite. Baliktad 'ata talaga utak ko. Binuksan ko ang pinto at gusto kong ibalik ang oras nang makita ko ang matangkad ma lalaking nakatayo sa harapan ko. Nakasuot siya ng itim na jacket, itim na sumbrero with black mask. Hindi pa napoproseso ng utak ko na may uninvited person sa harap ko nang tutukan ako nito ng baril sa noo. WHAT? BARIL?! SHIT! KIDNAPPER! HOLDAPER!  I'M DANGER! Wow rhyme—HOLY. This is not the right time to be impressed with yourself, Fritzey! You're now dead! “Holdap 'to.” Sml. I mean...So much lagot! Mamaaaa!! Nabitawan ko ang cellphone ko and I'm sure Schroeder is now panicking on the other line if ever hindi niya in-end ang call. Schroeder!! Help!! Hindi ko akalaing sa isang iglap ay matatakot ako para sa sarili ko. My hands started to get sweat and tremble as my heart beat raced in so much frighten. Now, I regret it why I didn't followed Schroeder's command. Indeed, curiosity kills a cat. And now, I'm that cat soon to be killed. Uwahhh! Schroeder! Bilisan mo kung papunta ka na dito! “Huwag niyo po akong papatayin.” In just a snap, tears started to flow down to my cheeks. Ayo'ko pang mamatay. Marami pa akong pangarap sa buhay. Yeah, I wanted to see my biological mom. Pero hindi muna ngayon, ayoko pang sumunod sa kaniya sa heaven. Marami pa akong tutulungang tao na hindi ma-crushback. PIsa pa, hindi ko pa nawawala ang virginity ko! I don't wanna die virgin! Huhu's. Pupunta pa ako sa concert ng bangtan at sasabay sa fanchant. Tatapusin ko pang panoorin lahat ng favourite kong kdrama. Mag...mag...magpapakasal pa kami ni Kim Seokjin! “Kunin niyo na po lahat ng gamit dito ayos lang basta huwag niyo lang akong sasaktan. Please.” “Hindi 'yon ang gusto ko.” Naman eh! Ang choosy pa! “Ano po ba ang gusto mo kuya?!” I cried out. “Ikaw at ang puso mo.” Biglang umurong ang luha ko sa sinabi niya. Ano daw? Pinagtitripan ba ako ng holdaper na 'to? Before I can react, he speaks up again while laughing na agad kong nabosesan — dahil bumalik sa natural ang boses niya. “Now tell me, should I not be worried about your safety?” ANAK NG LACHIMOLALA! “SCHROEDER?!” Inalis niya ang suot niyang mask at sumilay ang signature cocky smile niya. Putangina! Pakiramdam ko ay biglang nagtaasan ang dugo ko papunta sa ulo. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at pinagsusuntok ko siya sa dibdib. Minura ko siya kahit hindi ako palamura. “GAGO KA! ALAM MO BA KUNG GAANO AKO NATAKOT? HA?!!” tuluyan akong napaiyak. Akala ko katapusan ko na. Akala ko huling hininga ko na 'to. Hindi magandang biro 'to! Paano kung may sakit ako sa puso tapos inatake ako sa puso sa sobrang takot kanina?! Nakakainis siya! Bakit ba lagi niya nalang akong iniinis?! “Sorry na. Sinigurado ko lang kung— Ack! Aray! Sinigurado ko lang kung susundin mo ang utos ko.” “Ngayon, napatunayan kong dapat nga akong matulog dito sa—” “F.O. NA TAYO!” I shut the door close right in his face. Sinigurado my ass! I hate you! Sumigaw pa siya para ipaliwanag ang side niya bago ko nadinig ang pagpuri niya sa sarili niyang acting skills at ang pamamaalam niya. See? He's apologizing but he's not even guilty na tinakot niya ako! BWISET! WRONG IDEA TALAGA NA TINAWAGAN KO PA ANG SIRAULONG 'YON! **** Buong oras na nag aayos ako ng props para sa roleplay presentation namin next week ay lumilipad ang isip ko. Ilang beses na nga akong natutusok ng karayom habang nagtatahi ako ng damit. Buti na lang hindi bumabaon kaya hindi dumudugo. Peste kasi, iniisip at pinoproblema ko na nga ang tungkol sa ability ko. Tapos dumagdag pa ang love letter na nakita ko sa locker ko kanina. Actually, I've been receiving those love letters since Elle and I broke up. So basically, isang taon na 'kong nakakatanggap ng sulat mula sa unknown person. At first, I though it was just Icy and Schroeder. Akala ko naisipan lang nilang gawin 'yon to distract me and divert my attentiom away to forget about Elle. But I was wrong. Neither of them is the culprit. Kaya nananatiling pala-isipan para sa'kin ang katauhan nang admirer na iyon until now, if he really was my admirer. I don't know. If ever he was, I really want to meet him then ask why me? Bakit ako pa ang nagustuhan niya? Hindi naman kasi ako maganda, sexy, matangkad at matalino. Wala rin akong talentong nakakainlove. I can't even dance nor sing. Ang tanging talento ko lang ay magmahal ng hindi ako mahal, chareng. Pagdodrawing lang ang kaya ko. Tapos unappreciated pa. Madalas maliitin ng iba. “Fritzey, kung ako sa'yo unahin mo na muna 'yung activity bago 'yan,” Riley said, that brought me back to the reality. “Next week pa naman 'yan kailangan.”   She added. “Oo nga gurl, maawa ka sa grades mo. Lahat nalang ng activities sa 21st Century 'di mo ginagawa.” Hindi ko sila pinansin na dalawa. Tuloy pa rin ako sa tinatahi ko. Ayo'ko kasi talaga magsulat. Tinatamad ako kaya nagtahi nalang ako. “Gumawa ka na! Mamaya na yan!” Inagaw ni Icy ang tinatahi ko pero binawi ko ito. “Ayo'ko nga. Tinatamad ako.” Walang makakapigil sa'kin 'pag tinamaan ako ng katamaran. “Bahala ka nga!” Nagpatuloy na sa ginagawa si Icy. Psh. Bakit ba kasi may pa-activity pa ngayon? Napaka-creepy talaga ng university na'to kahit kailan. Come to think of it, ha? Sa lumang comfort room ng girls na hindi na masyadong ginagamit ngayon, biglang nagfa-flash ang tubig sa inidoro kahit walang tao. Sa computer laboratory naman, tuwing sasapit ang alas otso may maririnig daw na tunog ng keyboard na pinipindot as if someone's using a computer kahit wala ng tao ayon sa guwardiyang nagra-round. Tapos ngayon naman may activity kami pero wala namang teacher? Meganon?! Pagkatapos ng oras sa 21st Century subject namin, bumaba na kami para maglunch. Sinalubong kami ng magpinsan sa may pintuan. Pero si Faren lang ang nageexist para sa'kin, yung isa kulto. Pumunta na sina Icy at Riley sa favourite spot namin. Sumama ako kina — kay Faren na um-order ng pagkain. Para makausap tungkol sa ability ko. “Anong sasabihin mo, liit? Tungkol sa libro?” Huminga muna ako ng malalim. I nodded and say, “Nawawala na 'ata ang ability ko.” “Bakit?” Si Schroeder ang nagtanong pero 'di ko siya pinansin. Multo na lang siya sa paningin ko. Psh. Kinuwento ko kay Faren ang nalaman ko kagabi. Ang hindi pag ilaw ng pair ko kay Mary at sa King of Heartthrobs. Pero gaya ng inaasahan ko, wala siyang nasabi. Wala rin siyang maisip na posibleng dahilan ng hindi pag ilaw nung pair up ko. Si Schroeder lang ang maraming comment.  “Maiba ko, kailan mo balak na ipaalam sa dalawa ang tungkol diyan?” “Alin?” I asked absently. “Tungkol sa kakayahan mo.” Kinuha ni Faren ang tray ng order namin at tinignan ako. Actually, sa nangyari ngayon. Hindi ko na alam.  Baka pagtawanan lang nila ako at hindi sila maniwala. Lalo na at hindi ko na mapapatunayan na totoong may magic ang libro ko. Kasi mukhang nawawalan na ng bisa ang magic nung libro. “Matagal na natin silang kilala. Alam mo na ang lahat ng tungkol sa kanila. I think its time to let them know everything about you as well. Malay mo makatulong rin sila sa'yo.” Bumalik na kami sa table namin. Napaisip ako sa huling sinabi ni Faren. Siguro nga dapat ko na ipaalam sa kanila, kahit mukhang nawawala na ang ability ko. Hindi na rin naman sila iba sa akin. Besides, I have two witnesses if ever they won't believe me. Oh, I forgot, isa nalang pala. Hindi na kasama yung isa diyan. “May gusto akong sabihin...” I suddenly spoke up as I sat down beside Icy. Faren and I looked at each other. He just gave me an assuring smile then he nodded. “...I mean, may gusto akong aminin.” I corrected myself. “Ano 'yun?” Icy looked at me. I'm nervous. Paano ko ba sasabihin sa kanila? How should I start my sentence? Nakatingin lang silang apat sa'kin, waiting for me to spill the beans. “Ano...kasi ano eh...ano...” Heck! Umayos kang dila ka! “..Ano...uhh may ano ako...” “Ano? Aanohin kita gurl, wala kaming maiintindihan kung puro ka na naman ano!” The impatient Icy shrieked. “Ano...ano ako...” “She's a matchmaker.” Napatingin ako kay Schroeder nang siya na ang magsalita para sa'kin. Diretso lang ang tingin niya sa kinakain niya. Epal. I rolled my eyes at him before I turned my gaze to Icy and Riley. Hinintay kong tumawa si Icy sa narinig but I was surprised when she didn't. At mas lalo akong nasurpresa nang magsalita si Riley. “Alam na namin.” It turns out that I am the one who got surprised. What the f**k?! How?! I mean, yeah I know that Riley is very observant. Mabilis ang mata niya. Lahat napapansin niya kahit mukha siyang walang pake sa mundo. Pero paano? Sobrang maingat naman ako sa galaw ko. Laging patago kapag ginagamit ko ang libro ko. “Paano niyo nalaman?” I asked, dumbfounded. “Puwet mo may gulaman,” bulong ng isa diyan. “Secret no clue.” Tumawa si Icy. “Galing namin 'no? Ang tagal na kaya naming alam, gurl. Hinihintay na lang namin na i-open up mo sa'min. Alam ko nga na pinagmatch mo si Euchleid at Mary kahapon kaya mo tinanong ang pangalan niya at kaya ka nawala. I know that you're trying to save Mary kahapon. Duh?” Woah. I couldn't believe this. All this time?! All this time napaniwala akong nagawa kong ilihim sa kanila pero hindi pala? My God! I felt betrayed. Jk. Joke. Just kidding. Jungkook. Magtatanong pa sana ako kung kailan pa nila alam. Pero biglang tumunog ang fire alarm. The next thing I knew, nagtatakbuhan na ang lahat sa sobrang pagpapanic. Kasabay ang ibang estudyante ay tumayo agad kami at tumakbo palabas ng main canteen. Matapos ang masalimuot na pakikipagsiksikan. Tumakbo agad ako kasabay ng ibang estudyante. Nang marating namin ang campus kung saan nakatigil ang lahat ng students, saka ko lang marealize na wala sa likod ko yung apat. Shit! Nasaan na sila? “Nasaan ang nasusunog?” tanong ng lahat. I looked around pero dahil sobrang crowded, wala akong makita. Plus ang tatangkad pa ng mga nasa harapan kong mga babae. Yawa. Bakit gano'n. Junior High pa lang sila. Dapat ako yung mas matangkad 'di ba?! “ATTENTION STUDENTS!” I stopped roaming around and listened to an announcement coming from the intercom attached all over the place. “WALA PONG SUNOG. I REPEAT. WALA PONG SUNOG.” Eh?! Imbis na matuwa'y napuno ng reklamo ang crowd. “Bakit walang sunog?” Oo nga bakit walang sunog— Ay, I mean sino pumindot kung walang sunog?! “Ano ba yan paasa.” “Awts walang sunog. Siguro it's just my heart burning for you.” “MAY ESTUDYANTE LAMANG PONG PUMINDOT NG FIRE ALARM. MAAARI NA KAYONG BUMALIK SA INYONG MGA SILID.” After hearing that announcement, the crowd started to have a movement. I suddenly bite my lips when the girl infront of me stepped on my feet. Naghaharutan kasi sila ng mga kaibigan niya. Imbis na aray, sorry ang lumabas sa bibig ko. Hindi naman siya lumingon o nagsorry na para bang hindi niya alam na may naapakan siya sa likuran niya. Yeah, that's how attitude junior high's are. Kadalasan nga, mas matapang pa sila sa'min umasta. Hinayaan ko nalang sila magharutan kahit ilang beses na akong natutusok ng takong sa paa. Ayo'kong mapaaway. Baka guidance pa kahantungan ko. “Hoy gagi! Amp.” Napaurong ako nang muntik na matumba sa'kin ang babaeng nasa unahan ko. Akala ko matutumba na talaga siya ng tuluyan sa'kin pero napigilan agad iyon ng lalaking nasa likuran ko. Shit! Mabuti na lang! As if on cue, sabay sabay kami nung mga magtotropa na lumingon sa nasa likuran ko. No, including other girls surrounding us. And I was surprised as he showed up on my sight... The guy whom I always got an eye contact with! OH MY GOD! His captivating hazel brown eyes met mine kaya bumalik agad ako ng tingin sa mga babaeng nasa harapan ko. He's so freaking near! Santa maria deputa papaya! Bigla akong pinagpawisan ng malamig. “Stop playing around on a crowded places like this. You will hurt other people unintentionally.” Oh God! Even his voice sounds handsome. Sana all. Tila nahipnotismo namang tumango tango sa sinabi niya ang mga nasa unahan ko. Pag alis niya parang mga tangang mas kinilig ang mga babae sa harapan ko. Hindi na ako nagulat. Sa guwapong iyon, talagang mangingisay ka kapag kinausap ka at dumapo ang tingin sa'yo. “Tangina bhie! Ang swerte mo! Nahawakan ka sa likod!” “Ghorl! Ang swerte natin kinausap tayo!” They giggled. Dahil mukhang wala pa silang balak umalis, nakisingit na rin ako. Mas swerted ako lagi kong nakakatitigan. Hmp! Nakalagpas na ako sa kanila nang marinig ko pang magsalita ang isa sa kanila na tingin ko ay ang babaeng muntik nang makadag-an sa'kin. And what she said stopped me from walking. “BYE GUYS! I'M GETTING MARRIED! I'M SOON TO BE WIFE OF EUCHLEID DELA CROIX!” Wait! Euchleid...Dela Croix? I looked back at them... Iyong lalaking nakakatitigan ko? Siya ang King of Heartthrobs?! To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD