Wala na talagang buhay si Tito Kyle. Hindi na maibabalik ang buhay na sinakripisyo niya. Pero hindi kami papayag na ganoon na lang iyon. Hindu namin sasayangin ang sakripisyong ginawa niya. Ngayon ay nakayakap na ulit si Tita Xiarie kay Tito Kyle. Walang tigil ang kaniyang pag-iyak. "Kyle! Kyle!" Sigaw niya habang naka yakap kay Tito Kyle at patuloy ang pag buhos ng kaniyang mga luha. Pinaliwanag ni Hero na hindi na talaga mabubuhay si Tito Kyle. "Wala na, huli na ang lahat. Mula noong hinalo na niya ang kaniyang dugo doon sa glass. Iyon na ang naging katapusan niya. Hindi na natin siya maibabalik pa," ika ni Hero habang tinatapik ang balikat ni Tita Xiarie. Bumitaw si Tita Xiarie sa katawan ni Tito Kyle at agad ko naman siyang yinakap. Matindi ang pinag daraanan namin. Ngunit kailan

