Isla La Fuego, Palawan Malungkot na nakatanaw si Calleigh sa malawak na karagatan. Ilang saglit pa lang ang lumipas matapos niayng masaksihan ang bukang-liwayway. Kung dati ay nagdudulot ng ligaya sa kanyang puso tuwing pagmamasdan niya ang haring araw, ngayon ay nagdudulot ito ng dalamhati sa kanya. Muling nagsalimbayang pumatak ang kanyang mga luha. Walang sandali na di niya naiisip ang kanyang kasintahan. Gabi-gabi siyang dinadalaw ng trahedyang iyon. Isang bangungot na paulit-ulit na sumusugat sa kanyang pagkatao. Unti-unting naglakad palapit si Calleigh sa baybayin, bawat hampas ng alon sa kanyang mga binti ay humahalina sa kanya. Tigmak ng luha ang kanyang mga mata, nang mga sandaling iyon ay wala siyang ibang nais kundi ang matapos na ang lahat. Matapos na ang lahat ng sakit na

