Chapter 11

2150 Words

Napabalikwas ng bangon si Juan Miguel, marahang gumalaw si Calleigh sa kanyang tabi. Napangiti siya nang matitigan ang maamong mukha ng asawa. Inayos niya ang duvet na nakatakip sa katawan nito at kinintalan niya ng halik ang namumulang labi ni Calleigh. Matapos niyang mag-ayos ng sarili ay tumuloy siya sa kusina. Ganadong naghanda siya ng breakfast. French toast, sausage, bacon, omelette at gumawa din siya ng pancake. Kasalukuyang sinasalin niya ang fresh orange juice nang bumungad si Calleigh sa kusina. “Good morning! Bakit di mo ako ginising?” bungad nito. Nilapag niya ang pitcher sa mesa at mabilis niyang nilapitan si Calleigh. Kinabig niya ito at hinagkan niya sa noo ang asawa. “Good morning, sweetheart!” nakangising saad niya at napangiti siya nang makitang pulang-pula ang mukh

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD