“What do you want?” takang tanong ni Alex sa kanya nang pagbuksan siya nito ng pintuan. Pinuntahan niya ang kaibigan sa Villa na tinutuluyan nito at ni Jackson sa Hacienda De Silva. Pumasok siya sa loob ng villa, “I need to talk to you!” Kumunot ang noo niya nang mapansin ang nakaempakeng maleta. “Tungkol saan” ani ni Alex. “What’s happnening here? Aalis kayo?” takang tanong niya sa halip na sagutin si Alex. Bumaling ang tingin nito sa tinitignan niyang mga bagahe. “Si Jackson lang, the company in Germany needs his presence,” kibit-balikat na wika nito. “I see! Anyway I need your help, kailangang makausap ko si Ambassador Villegas sa lalong madaling panahon,” saad niya. “Para saan? Mukhang mahihirapan tayo, alam mo namang mailap ang mga Villegas lalo na kung may kinalaman kay Call

