“Are you crazy!” bulalas ni Marie sa kanya. Kararating lang ng magkasintahang Luke at Marie. Agad siyang pinuntahan ng mga ito sa kanyang tinutuluyang bahay. Nalaman na din ng dalawa na nagdadalang tao siya. “Love,” kinabig ni Luke si Marie sa dibdib nito nang biglang humagulgol ito ng iyak. “How can you do this, Cal! You know the risk!” dagdag na usal nito. “This is life inside of me, Marie,” malungkot niyang wika sa kaibigan. “But it will cost your life!” “Does it matter? Sooner or later I have to go anyway,” hinaplos niya ang kanyang tiyan at tipid na ngumiti sa kaibigan. “Oh, Calleigh!” lumapit ito sa kanya at buong higpit siyang niyakap. “Hayaan na ninyo ako, ang mahalaga sa ngayon ay maging malusog ang baby ko,” mahinang usal niya. Tumango si Luke sa kanya, si Marie naman

