Masuyong hinahaplos ni Calleigh ang kanyang maimpis na tiyan habang tinatanaw niya ang papaalis na sasakyan ng kaibigang si Marie. Magbibiyahe na ito pabalik ng Maynila. Napabuntong-hininga siya, ngayon ay mag-isa niyang susuungin ang pakikipaglaro sa mga tao sa kanyang paligid. Napalingon siya nang maramdaman niya ang pagpasok ng Inay Azon niya sa kanyang silid. Nilingon niya ito, “Oh, Inay Azon, bakit po?” nakangiting bungad niya sa madrasta. “Wala naman, anak, dinalhan kita ng gatas,” nilapag nito sa side table ng kanyang kama ang isang basong gatas at naupo. Naglakad siya palapit dito at umupo sa tabi nito, “Salamat po, Inay,” wika niya. “Nakatulog ka bang maayos, anak,” saad nito. “Opo, Inay! Nagustuhan ba ninyo ang mga pasalubong ko?” nakangiti niyang tanong sa madrasta. “Oo,

