Ipinarada niya ang kanyang sasakyan sa likod ng post office. Tiningala niya ang may kataasang gusali. Lumabas siya ng sasakyan at umikot siya sa likuran ng kotse. Inilabas niya ang kanyang mga gamit. Malapit nang magliwanag kaya kinakailangan niyang magmadali. Nang marating niya ang pinakataas ng gusali ay inihanda niya ang kanyang sniper riffle. Gamit ang drone, she scanned the whole area. Wala siyang pinalagpas, ultimo kasulok-sulukan ay sinuri niya. Nang matiyak niyang kita niya ang lahat ng anggulo ay matiyaga siyang naghintay. Dalawang oras ang lumipas nang matanaw niya ang mga kalalakihan na nagkaniya-kaniyang pwesto. Sa bilang niya ay nasa labindalawang kalalakihang ang armadong nagkalat sa buong paligid ng plaza. Sa galaw ng mga lalaki ay natitiyak niyang sa clan ni Wolf kabilan

