“Are you happy, Mrs. Romero?” nakangiting tanong ni Luis kay Amel. Lumingon sa kanya ang asawa at kiming ngumiti, “I can’t believe this is happening! Yes, Luis, sobrang saya ko!” Pagkatapos ng kanilang kasal sa huwes ay tumuloy sila sa farm. Hindi nila inaasahan na naghanda ang kanyang mga tauhan ng salo-salo para sa munting pagdiriwang ng pag-iisang dibdib nila ni Amel. Natutuwa siyang makita ang nagniningning na mga mata ng asawa. Kausap nito ang mga kababaihan. Kung siya lang ang masusunod ay nais niyang bigyan ng engrandeng kasal si Amel. Subalit mariing tinutulan ito ng asawa. Nais nito ng simpleng pagdiriwang lamang. “Luis!” pukaw sa kanya ni Carmen. Nilingon niya ito, “Ano iyon, Carmen?” “May bisita ka, naghihintay sa likurang bahay,” mahinang bulong nito sa kanya. Tumango si

