Chapter 1

1369 Words
“Paano na ngayon anak, anong gagawin natin?” nag-aalalang wika kay Calleigh ng kanyang ina na si Nanay Azon. “Di ko po alam Nay!” malungkot niyang tugon rito. “Anak, ang farm na lamang ang natitirang ala-ala ng Itay mo. Kung pati ang farm ay mawawala sa a-atin,” naluluhang wika nito sa kanya. Nilapitan niya ito at masuyong niyakap, “Huwag kang mag-alala Inay, gagawa ako ng paraan.” “Anak, di ko maiwasang mag-alala lalo na ngayon sa kondisyon mo,” tumitig ito sa kanyang maumbok na tiyan. “Kung ako ang masusunod Inay, hindi ko kailangang magtago na parang disgrasyada!” mariing tugon niya sa ina. “Pero alam mo ang maaaring mangyari kapag nalaman ng Papa ang kalagayan mo. Kailangang matuloy ang kasunduan,” mahinahong wika nito sa kanya. Ang kasunduang tinutukoy nito ay ang pagpapakasal niya kay Vice Mayor Brian Almazan. Bunsong anak ito ni Governor Ramon Almazan, kaibigan ng kanyang Lolo Simon. “Inay, kasunduan na wala akong kinalaman pero ako ang magbabayad,” mariing tugon niya sa kanyang Inay Azon. “Anak alam mong sa ayaw at sa gusto natin isa kang Romero, hindi papayag ang Lolo mo. Dapat matuloy ang kasal ninyo ni Brian,” saad nito sa kanya. Tumayo siya at tumingin sa malawak na karagatan. Ilang buwan na siyang nanatili sa pribadong beach house na iyon. Pagmamay-ari ito ng nobyo ng kaibigang si Marie. Noong malaman niyang nagdadalang tao siya ay agad niyang tinawagan ang kaibigan. Hindi nagdalawang-isip ang magkasintahan na tulungan siya. Simula noon ay sa beach house na siya nagtago. Pinupuntahan siya ng Inay Azon niya upang dalhan ng kaniyang pangangailangan. “Sumpa ang pagiging Romero ko Inay! Sa pangalan lamang ang pinaghahawakan kong karapatan, maliban roon ay wala na,” bumuntong hininga siya at nilingon ito. “Walang karapatan si Don Simon na ipagkasundo ako sa mga Almazan!” nangalit ang kanyang panga sa pagkabangkit sa matandang Romero. Kahit kailan ay di siya tinuring na bahagi ng pamilya nito, para kay Don Simon ay wala siyang karapatang sumuway sa mga kagustuhan nito. Hindi dapat malaman nito ang kanyang pagdadalang tao. Lalong hindi dapat malaman nito kung nasaan siya. Tiwala siya na di nanaisin ng Inay Azon niya na malaman ng Lolo Simon niya ang kanyang pagbubuntis. Lumapit sa kanya ang kanyang Inay at ginagap ang kanyang mga kamay. “Patawarin mo ako anak dahil di man lang kita maipagtanggol kay Papa,” naiiyak na wika ng ina sa kanya. “Wala po kayong dapat ihingi ng tawad Inay, ako ang dapat humingi ng tawad sa inyo,” masuyong wika niya. Naluluhang umiling ang kanyang ina, “Wala kang kasalanan anak, hindi mo sinadya ang nangyari.” “Pupuntahan ko ang taong iyon inay, kailangang malaman niya ang kalagayan ko,” madiing wika niya sa ina. “Pero anak delikado ang gagawin mo,” nag-aalalang wika ng kanyang ina. “Wala na akong maisip na paraan Inay, panahon na din para malaman niya dahil sa ayaw o gusto ko may karapatan siya sa anak ko,” aniya. “Pero a-anak hayaan mong samahan kita!” giit nito sa kanya. “Ako na lang po Inay, napagkasunduan na po natin ang bagay na ito.” Bumuntong hininga si Calleigh at hinimas niya ang kanyang tiyan. “Pagkatapos nito Inay, magiging maayos na ang lahat,” dagdag na wika niya rito. “Ikaw ang bahala anak, sana ay tama ang gagawin mong ito. Dapat ay matuloy ang kasal ninyo ni Brian,” may pag-aalalang wika ng ina. Hindi siya agad nakasagot sa winika nito. “Alam ko inay, ‘wag kang mag-alala, matutuloy ang kasal,” walang emosyong tugon niya sa ina. “Mabuti kung ganoon, anak!” tipid na nginitian siya nito, bakas ang saya sa mukha ng kanyang Inay Azon. Bumuntong-hininga si Calleigh at muling tinanaw ang malawak na baybayin. Batid niyang wala siyang pagpipilian kundi ang harapin muli ang kanyang nakaraan. Lalo na ang taong pilit niyang tinatakasan. Makalipas ang isang linggo ay nagdesisyon siyang magbyahe. Tinaon niyang nakaalis na ang kanyang Inay Azon. Gaya ng sabi ng babaeng napagtanungan niya ng direksyon, tinahak niya ang daan hanggang matanaw niya ang matayog na arko ng resort, Havens Leisure Resort. Ipinarada niya ang kanyang sasakyan sa parking space ng resort. Dahan-dahan siyang lumabas ng kanyang sasakyan. Ilang sandali na lang ay haharapin niya ang taong alam niyang hindi siya nais makita pa. Napapikit siya at napahawak sa kanyang malaking tiyan, kabuwanan na niya. Kaya lang ay wala na siyang pagpipilian dahil baka mahuli pa ang lahat. “Anak, huwag muna ngayon kailangan ko ng lakas para harapin ang daddy mo,” masuyong kausap niya sa kanyang tiyan. Napangiti siya sa bahagyang paggalaw nito sa kanyang tiyan. Dahan-dahan siyang pumasok sa lobby ng resort at tinungo niya ang reception desk. “Good afternoon!” bungad na bati niya sa receptionist. “Good afternoon Ma’am! Welcome to Havens Leisure Resort. How may I help you?” nakangiting pagbati nito sa kanya. “I want to speak with Mr. Juan Miguel De Silva,” sagot niya rito, napahawak siyang muli sa kanyang tiyan dahil humilab na naman ito. “I am sorry Ma’am, he is unavailable at this moment, and you need an appointment Ma’am,” magalang na hayag nito. “Please Miss, it’s urgent I need to see him!” pilit ang ngiting pakiusap niya rito. “Annie may problema ba?” wika ng bagong dating na babae, tingin niya ay ito ang manager ng resort. “Ma’am Lucille, gusto po ni Ma’am makausap si Sir Miggy,” sagot ni Annie. “Good afternoon Ma’am, I’m Lucille Rosales,” inilahad nito ang kamay sa kanyang harapan na kanya namang tinanggap upang kamayan ito. Dumako ang mga mata nito sa kanyang malaking tiyan. “I need to see Mr. De Silva, please!” walang pasakalyeng nakikiusap na wika niya. “May family event po ngayon kaya hindi po available si Sir Miggy. May I know your name, Ma’am para masabi ko sa kanya?” nakangiting saad nito. “C-calleigh!” humugot siya ng malalim na hininga, “Calleigh Romero-De Silva, his wife, and please, if you need my identification to verify my claim, can we do it later!” hayag niya na kinasinghap ng dalawang babae sa kanyang harapan. “A-ah, it’s okay!” hinamig ni Miss Rosales ang sarili sa pagkabigla, “Sumunod po kayo sa akin Ma’am sasamahan ko po kayo, nasa function hall po si Sir Miggy and he can verify your identification,” nangiting wika nito sa kanya. “Salamat!” napabuntong hininga siya at bahagyang nginitian ang babae. Magkaagapay silang naglakad, tumitindi ang kabang nararamdaman niya dahil dumadalas ang paghilab ng kanyang tiyan. Pumasok sila sa loob ng function room, nakita niyang binyagan ang event. Tinambol ng kaba ang kanyang dibdib ng matanaw ang taong pakay niya. Habang papalapit sila ay di na niya matiis ang sakit dahil sa matinding paghilab ng kanyang tiyan. “Diyos ko! Anak please ‘wag muna!” mahinang bulong niya. “Sir Miggy may naghahanap po sa inyo?” narinig niyang wika ni Ms. Rosales. “Sino?” tanong nito na nagpakabog ng kanyang diddib. “Sir, ahm ano po kasi!” alanganing tugon ni Ms. Rosales. “Ms. Rosales sino ba ang naghahanap kay Juan Miguel?” wika ng lalaking nakatayo malapit kay Ms. Rosales. Malaki ang pagkakahawig nito kay Juan Miguel. Hindi na matiis ni Calleigh ang sakit ng kanyang tiyan, sapo-sapo niya ito at habol niya ang kanyang hininga. “Asawa po niya!” hinihingal niyang wika bago pa man makasagot si Ms. Rosales. Ramdam niya ang pagputok ng kanyang panubigan kasabay ng ibat ibang reaksyon sa sinabi niya. “Holy moly!” “What the hell!” “Juan Miguel!” “What?” “Kaninong asawa?” “Hello everyone! I’m Mrs. Juan Miguel De Silva, and I think my water broke!” nakangiwing wika niya kasabay ng mahigpit niyang paghawak sa braso ni Ms. Rosales. “What the hell Calleigh!” bulalas ni Juan Miguel sa kanya at dali dali siyang nilapitan nito at binuhat. “Oh God! JM! Manganganak na ko!” naluluhang usal niya habang pangko siya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD