Chapter 14

2743 Words

Maagang nagising si Calleigh. May usapan sila ni Dominic na ipipinta niya ang binata. Labis ang saya ng dalaga tuwing magkasama sila ni Dominic. Naging madalas ang kanilang pagkikita, kaya naman naging malapit sila sa isa't isa. “Oh! Anak, bakit ang aga mong gumising?” nagtatakang bungad sa dalaga ni Yaya Carmen. “Yaya may usapan po kasi kami ni Dominic ngayon,” masayang bulong nito. Naupo si Calleigh sa hapag kainan, inilapag ni Yaya Carmen ang fresh milk sa harapan nito. “Aba! Mukhang napapadalas ang pagkikita ninyo,” nakangiting tukso nito sa dalaga sa mahinang tinig. Luminga si Calleigh sa paligid, dahil baka may makarinig sa pinag-uusapan nila. “Ipipinta ko po kasi siya ngayon,” masayang wika nito. “Kailangan bang samahan kita?” nag-aalalang tanong ng matanda. “Hindi na Yaya,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD