Napabalikwas si Juan Miguel ng bangon. “D*mn!” napasapo siya sa kanyang ulo, parang minamartilyo ang kanyang pakiramdam. Nagtatakang sinuri niya ang sarili, napansin niyang hubad siya at sa carpet floor siya nakatulog. Pilit niyang hinahagilap sa kanyang alaala kung anong nangyari. “Sh*t! Leigh!” dali-dali siyang tumayo, tinapis niya sa kanyang katawan ang kumot. Agad niyang tinungo ang kanilang silid. “Calleigh!” tawag niya sa asawa. Napaupo siya sa kama, mabilis ang kaba sa kanyang dibdib. Naglakad siya palapit sa walk-in closet upang magbihis. Natulos siya sa pagkakatayo nang mapansin niyang wala ang mga gamit ng asawa, maging ang maleta nito. Tanging naiwan ay ang mga damit na binili niya. Sinuntok niya ang pintuang salamin ng kabinet. Unti-unting bumalik sa kanyang isipan ang nag

