Kabadong nilapitan ni Calleigh si Mrs. Villegas. Naka-wheelchair ang ginang at nakaharap ito sa mga pulang-pulang mga rosas. Ayon kay Dimitri, ang mga rosas na nasa hardin ng mga Villegas ay itinanim mismo ni Dominic. Ilang hakbang na lang ang layo niya sa ginang nang mapahinto siya. Nagtatalo ang kanyang isipan at damdamin kung tama bang kausapin pa niya ito. Naninikip ang kanyang dibdib na makita ang Mama ni Dominic sa ganoong kalagayaan. “Tatayo ka na lang ba diyan?” Napatigagal siya nang marinig si Mrs. Villegas na magsalita. Dahan-dahan siyang naglakakad, huminto siya sa gilid nito. “Magandang araw po,” mahinang usal niya sa ginang. Hindi ito tumugon sa kanya, nanatiling ang paningin nito ay nakatunghay sa mga pulang rosas. “Alam mo bang si Dominic ang nagtanim ng mga iyan?” t

