“Anong balita sa pinapagawa ko sa iyo?” bungad ni Governor Almazan sa bunsong anak. Kararating lang nito ng kanyang opisina. “I’m sorry, Papa. Wala akong nakuhang bagong impormasyon,” tugon ni Carlo sa ama. “Paanong wala? Imposibleng walang nakakaalam kung sino ang may-ari ng kompanyang iyon!” galit na bulyaw nito sa anak. “Papa, isang shell corporation ang nagmamay-ari ng DS Global, iyon lang ang tanging impormasyon ang nakuha ko. Lahat ng koneksyon natin ay ginamit ko na, but in the end it will goes back to an offshore account.” “Hindi maaari ito, kailangang malaman natin kung sino ang bumili ng shares ng Romero Holdings! Kinausap mo ba ang mga investors na nagbenta ng shares?” tiim-bagang na tanong ni Governor Almazan kay Carlo. “Yes, Papa, but it’s a dead end. The sale is processe

