Chapter 2

1104 Words
Gulat na gulat ang mga kaibigan ni Dana sa sinabi n’ya, s’ya naman ay buo na ang loob sa plano na sinabi sa mga kaibigan. "Sigurado ka!" halos lumaki ang mata ng mga kaibigan nang sabihin niya kung gaano niyaka-gusto ang campus crush at top student nila, at ngayon araw ay aamin na s'ya dito.   "Oo, sigurado na ko mga beshy, sure na sure na. ilang araw ko din 'tong pinag-isipan." determinadong sagot niya sa mga kaibigan.   "Ang pound for pound queen, mag-tatapat ng pag-ibig sa campus crush ng school." biro pa ni Rose.   "Beshy, itigil mo na‘yang kahibangan mo. Kame nga na hindi naman sa pagmamayabang, na may sexy body 'di magawa yan, e, tapos ikaw na si Dana dabyana ang pound for pound queen ng school—" saka iiling-iling na tinginan s'ya.   "Alam n'yo hindi natin malalaman kung hindi susubukan," sabay ayos ng mga chocolate na ibibigay n'ya sa kanyang crush.   "Hay naku! bahala ka pero 'wag kang iiyak sa amin, bruha ka nang dahil d’yan sa kahibangan mo." sabay kutos sa kan’ya ng kaibigan, na kan’ya naman itong sinimangutan.   Matapos ang klase ay inabangan niya ang lalaki sa labas ng school, alam n'ya ang oras nang uwi nito kaya naman halos kalahating oras s'yang naghintay dito, at ang mga kaibigan naman niya ay matiyaga ang paghihintay na matapos ang kahibangan n'ya habang nasa convinient store na malapit sa school ang mga ito na nakatanaw sa kanya.   pagsilip n'ya sa gate ng school ay agad siyang kinabahan dahil nakita na n'ya na papalabas na ito. 'Di nagtagal ay dumaan na ito sa tapat n'ya, na agad niyang hinarang.   "H-hi Jean Claude!" sabay kaway dito.   Tiningnan lang s'ya nito ng masama at nilagpasan na s'ya, pero talagang determinado siya na ipagtapat dito ang kanyang nararamdaman.   "S-sandali lang—" sabay hawak sa kamay nito, piniksi nito ang kamay n'ya at galit na nilingon s'ya.   "Ano'ng kailangan mo?!" galit nitong tanong at madilim ang anyong nakatingin sa kanya.   Hindi niya masalubong ang tingin nito kaya nakayuko s'yang inabot ang mga chocolate dito.   "Wooo!ano'ng meron?" bigla namang sulpot ng kaibigan nito at umakbay sa binata.   "Para s'yo," nahihiya niyang sabi.   Narinig pa niya ang pagak na pagtawa nito, sabay talikod.   "Bro, hindi mo ba kukunin 'tong binibigay ng pound for pound queen natin," ngisi nito, at sa gulat ng kaibigan ay napaatras ito ng bigla humarap ang lalaki.   Bigla s'yang kinabahan nang humakbang ito palapit sa kanya at bahagyang yumuko saka tinapat ang bibig sa kanyang tenga.   "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, pig? Gusto mo ba akong maging tulad mong balyena? Ibaling mo na lang 'yang kahibangan mo sa iba, dahil hindi ako pumapatol sa isang drum at balyenang katulad mo. Kahit paghakbang nang mabilis hindi mo magawa, e, saka tao ang hanap ko at hindi balyenang katulad mo, tsk." sabay tuwid ng tayo at iniwan siyang naka-tulala.   Narinig pa niya ang sinabi ng kaibigan nitong naka-sunod sa lalaki, “Ano’ng sinabi mo dun, bakit gano’n ang itsura no’n?” bulong nito.   “Tigilan mo ako, ‘wag mo akong sundan,” asik nito sa kaibigan.   Mukha kasi s’yang pinagbagsakan ng langit at lupa, saka pakiramdam n’ya binuhusan siya ng malamig na tubig, na pina-realize sa kanyang ang agwat na meron sila nang lalaki. Gwapo ito, matalino at hinahangaan ng lahat sa school nila. Samatalang s’ya, malaki na parang balyena at ginagawang katatawanan ng iba.   Nangingilid ang luha niya ng lumapit ang mga kaibigan na nag-aalala sa kanya. “Gurl, ano’ng sabi sayo,” excited na lumapit ang mga kaibigan sa kanya na agad din na tuhimik ng makita ang itsura n’ya. “Hmp, diba? Sabi kasi naming sa’yo na wala kang pag-asa sa lalaking ‘yon e.” ani Rona na pinagalitan pa s’ya. “Ikaw bakla, itikom mo na ‘yang bibig mo.” Sabi ni Rose na may pagkurot pa sa tagiliran ng kaibigan. “Hindi, ayos lang. Alam ko din naman na wala akong pag-asa e.” “Oh, alam mo na pala e, bakit tinuloy mo pa?” muling sabi ni Rona. “Wala, gusto ko kasing subukan, malay n’yo naman,” sabay pahid sa luhang tumulo sa pisngi n’ya. “OMG! Iba ka talaga Dana, sa dami ng mga babae d’yan na nakakandarapa na mapansin ng isang ‘yon na kahit lingon ay hindi maipagkaloob ni Jean Claude, tapos ikaw—“ani April na hindi makapaniwala. “Pero at least nilapitan at binulungan pa, Ayyy,” tili ni Rose na sinabayan pa ng dalawa n’yang kaibigan. “Bakla, ano ‘yung binulong sa’yo?” tanong ng hindi makapaghintay na si April. “Wala sinabi lang n’ya na sa iba ko na lang ibigay itong mga chocolates na ‘to kasi hindi s’ya mahilig,” pagsisinungaling niya. “Kung ayaw n’ya, edi akin na lang,” sabay hablot ni Rose sa chocolate na hawak n’ya. “Ikaw talaga Rose, ibalik mo nga yan kay Dana,” saway ni April. “Hindi ayos lang, wala na rin naman kakain n’yan e,” saka napayuko, “Sige na Rose sa’yo na ’yan.” Malungkot n’yang sabi. Pagdating sa bahay ay agad s’yang pumasok at nagkulong sa kwarto, at do’n binuhos ang lahat ng luha na kanina pa niya kini-kimkim, dahil ayaw n’yang mahalata ng mga kaibigan kung gaano s’ya nasaktan sa mga sinabi sa kanya ng binata kanina. Naka ilang tawag na ang mama n’ya para kumain na, maging ang papa n’ya ay kinatok na din ‘sya. “Anak, lumabas ka na d’yan at kakain na tayo, hindi ka pa ba nagugutom?” anito habang kumakatok sa pinto. “Sige Pa, mauna na po kayo. May kailangan po kasi akong tapusing project e, need na po itong ma-submit tomorrow, tiran n’yo na lang po siguro ako, mamaya na lang po ako kakain,” pagdadahilan n’ya para lang tigilan s’ya ng mga ito. “Kung gano’n ay bilinan ko na lang ang mama mo, anak ‘wag kang masyadong magpaka-pagod d’yan, ayaw kong magkasakit ka!” bilin sa kanya ng papa n’ya. “Sige Pa, salamat po,” aniya saka binaon ang mukha sa unan at do’n lihim na umiyak. Hanggang sa nakatulugan na lang n’ya ang pagiyak, nagising na lang s’ya dahil sa sobrang kulo ng kanyang tiyan. Pagtingin n’ya sa orasan ay alas diyes na nang gabi, kaya naman ay bumangon siya para kumain. Pagbaba ay nakita niya ang pagkain na nakatakip sa lamesa, ininit na lang n’ya ito saka nagsimulang kumain. “Bakit ba kahit may nararamdaman ako, hindi ako na wawalan nang gana?” aniya sa sarili habang tuloy-tuloy ang kanyang pagsubo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD