Chapter 6

1264 Words
“Ano ba, ganyan na ba kapurol ang utak mo?!” galit na sigaw ni Jean Claude na ikinabigla niya. Hindi kasi niya sinasadya na matabig ang ginagawa nilang experiment. Kaya nabasag ang ilang tube na ginagamit nila. “Sorry, hindi ko sinasadya,” napayuko na lang siya sa sobrang pagkapahiya dahil sa pagsigaw na ginawa nito sa kanya. “P’wede bang tapyasan mo kahit konting taba ‘yang braso mo? Para naman hindi ka makaabala sa ibang istudyante o baka naman pati 'yang utak mo nabalutan na rin ng taba?” anito na sunod-sunod ang ginawang panlalait sa kanya. Tuluyan nang nasira ang ganda ng mood niya kani-kanina lang dahil sa lalaki, ito ang dahilan kung bakit maganda ang mood niya pero ito din pala ang sisira no’n. “Hoy, magdahan-dahan ka naman ng pananalita sa kaibigan ko, akala mo naman sa sarili mo kung sino ka? Estudyante ka lang din na tulad namin, kaya ‘wag kang mag-feeling na akala mo ay mataas ka na sa amin.” Galit na lumapit si Rona sa lalaki. “Tama na beshy, kasalanan ko naman talaga e.” aniya habang nakayuko at pigil ito sa braso. “Hindi beshy, ‘wag mong hayaan na inaapi ka lang ng siraulo na ‘to,” sabay turo sa lalaking halos hindi na maipinta ang mukha sa galit. Maya-maya pa ay parang nahuli sa aktong mga krimminal na nagsipulasan ang mga kaklse niya ng dumating ang kanilang Teacher. “Kakasabi ko lang kanina, hindi talaga kayo marunong makinig noh? Simple instruction hindi n’yo magawa!” sermon ng kanilang Teacher. “Ma’am, hindi po namin kasalanan si queen po kasi e, sa sobrang laki ng braso na tabig n’ya ‘yong kanilang gamit.” Sabay turo sa nagkalat na basag na bote. “O, ano pang tinutunganga n’yo d’yan, bakit hindi n’yo pa linisin. Hala sige na linisin niyo na ‘yan para matapos na kayo sa mga ginagawa n’yo, hindi yung puro kayo reklamo!” Sermon nito. Tumayo siya para sana linisin ‘yong mga nabasag nagbiglang agawin ni Jean Claude sa kanya ang dustpan. “P'wede ba, umupo ka na lang sa isang sulok, dahil baka mapalala mo pa ang sitwasyon. Masira mo ‘tong buong Lab,” bulong nito sa kanya nang may paguuyam. Bakit ba kahit alam niya kung ano’ng sitwasyon ng lalaki ay hindi pa rin niya maiwasan na sumama ang loob. Ang sasakit kasi ng mga salitang binibitiwan nito sa kanya. “Hayaan mo na s’ya Dana, siguradong babawi s’ya mamaya sa ‘yo,” bulong niya na pilit pinakakalma ang sarili. Hanggang sa mag-uwian ay nakasimangot s’ya, kahit anong pagpapatawa ng mga kaibigan ay walang epekto sa kanya. “Beshy, ‘wag mo na kasing pagtuunan ng pansin ang lalaking ‘yon. Hindi ka magugustuhan no’n,” hinahaplos ni Rona ang kan’yang likod. “Tama si Rona beshy, kasi naman sa tuwing nalalapit ka sa lalaking ‘yon na wawala ka sa focus mo e. Kaya ghurl kalimutan mo na s’ya, huh!” ani Rose. “Ayos lang ako, saka hindi ko naman dinidibdib ang mga sinasabi nila sa ‘kin e. Kaya hindi gano’n kasakit ‘pag naririnig ko ang mga pintas nila sa akin,” alanganin ang kanyang ngiti. “Sigurado ka na ayos ka lang, mukhang iiyak ka na nga kanina e,” nag-aalala pa rin tanong ni Rona. “Ayos lang ako talaga, ‘wag na natin pa ‘yon pag-usapan. Baka lalong masira ang mood ko,” saka pilit siyang ngumiti. Pagka-uwi ay agad siyang humiga sa kan’yang kama, gusto na niyang magpahinga dahil sobrang pagod siya sa maghapon. Pati ang puso niya ay pagod na din kaya gusto na niyang matulog. Nakapikit s’ya nang tumunog ang kan’yang cellphone. Kinuha niya ito ng hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag. “Hello?” aniya na nakapikit pa din. “Hi! Dana,” ani ng magandang boses sa kabilang linya na nagpabilis muli ng t***k ng kanyang puso. Hindi kasi niya akalain na tatawag talaga ulit ang lalaki sa kan’ya. Akala n’ya ay ‘yon na ang una’t huli. Pero mukhang nagkamali s’ya dahil heto at kausap niyang muli ang lalaki. “Jean Claude, napatawag ka?” ani na pinipigil ang kilig dahil baka mahalata nito. “Ah, Dana p'wede bang Claude na lang ang itawag mo sa ‘kin, ang haba kasi ng Jean Claude e. haha,” anito na ang sarap pakinggan ang pagtawa nito. “Kahit naman anong pangalan mo, kahit ‘yan pa ang pinaka-mahaba walang kaso sa ‘kin,” biro niya dito. Natawa naman ito, “Kamusta ang School?” tanong nito. Napabuntong hininga naman s’ya at hindi kaagad naka-sagot. “Inaway ba ulit kita? Sorry ah!” halata sa boses nito ang lungkot. “Hindi, ayos lang. naiintindihan ko,” aniya na pinasigla ang tono. “Huwag kang mag-alala, dahil nagte-therapy ako. ‘Pag gumaling ako ikaw ang unang makakaalam,” anito sa masiglang tono. Nakaramdam naman siya ng awa dito, sigurado siya na mas malala ang dinaranas nito kumpara sa mga panlalait na natatanggap niya mula sa ibang tao. Kaya naman mas lalo lang lumamlim ang paghanga niya sa binata, kaya sisiguraduhin na hindi na ito mag-aalala sa kanya. Naisip niya na ‘wag ng sabihin dito ang nangyayari sa kan’ya sa school higit sa lahat kung may kaugnayan dito. “At tutulungan kita sa mabilisan mong paggaling,” masayang sabi niya dito. “Salamat ah, kasi sa wakas may nakakausap na ako na iba bukod sa pamilya ko,” anito. Nagtaka naman s’ya, hindi ba a lam ng mga kaibigan nito? Kung ganoon ay s’ya lang ang nakakaalam? Mga tanong sa isip n’ya. “Bakit?Hindi ba alam ng mga kaibigan mo?” gulat niyang tanong. “Hindi, walang ibang nakaka-alam bukod sa’yo,” anito, na pakiramdam niya ay bigla s’yang nagkaroon nang obligasyon sa binata. Napabuntong hininga naman siya ng malalim, dahil sa hirap nang sitwasyon nito na walang mapagsabihan ng problema. Alam n’ya ‘yon dahil kahit s’ya ay hindi masabi sa pamilya ang nararanasan na pambu-bully sa kan’ya sa school. Buti na lang at may mga kaibigan s’yang nagtatanggol sa kan’ya, pero ito kahit mga kaibigan ay hindi alam ang sitwasyon nito. Kaya gagawin n’ya ang kan’yang makakaya upang kahit papaano ay mabawasan ang alalahanin nito. “Claude, siya nga pala. Meron bagong bukas na peryahan doon malapit sa bookstore kung saan tayo nagkita, gusto mo doon na lang tayo pumunta sa weekends?” tanong niya “Sige, okay lang sa akin matagal na din akong hindi nakakapunta sa ganyang lugar e,” anito na halata sa boses ang excitement. “Okay, set na ‘yan ah? Wala nang atrasan. Saka okay lang ba kung 5pm tayo magpunta, kasi may kailangan muna akong tapusin dito sa bahay bago ako makagala e,” alanganin naman niyang tanong. “Ayos lang sa ‘yon, maganda nga ‘yon kasi hindi mainit,” sang-ayon nito. “S’ya nga pala, yung isang ako pag-nakasama mo ulit, Clyde ang itawag mo.” “Huh? Bakit Clyde? Pwede pa ang JC short for Jean Claude. ” nagtatakang tanong niya. “Para alam mo kung sino ang kasama mo, nag-aalala kasi ako pag magkasama tayo biglang lumabas ang masungit na ako, at ‘yon si Clyde.” Alanganin na paliwanag nito. “So Clyde pala ang pangalang ng masungit na ikaw, at si Claude ang mabait at sweet na ikaw... hehe,” biro pa niya dito.Na ikinatawa din nito. Eto na naman po s’ya sobrang saya na naman n’ya matapos ang kanilang usapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD