Chapter 4

1188 Words
“Ate, magluto ka na, hindi daw makakauwi sila mama ngayon gabi. Nagugutom na ako,” lambing ng bunso nila. Sa kanilang magkakapatid ay s’ya lang ang naka-mana sa galing magluto ng kanilang mama. Kaya tuwing wala ang mga magulang ay siya ang nagiging taga-pagluto, na hindi naman niya kinaiinis dahil bukod sa pagbabasa ng mga romance pocket book ay pagluluto din ang hilig n’ya, kaya nga siya lumaki ng ganoon e. dahil sa hilig n’ya sa pagkain. “Ano ba ang gusto n’yong ulam?” tanong n’ya sa mga kapatid. “Beefsteak na lang,” sigaw ng kapatid na tutok na tutok sa cellphone nito. “Hoy, Tristan itigil mo nga ‘yang paglalaro mo ng cellphone, wala ka bang homework?” pagalit niya sa bunsong kapatid. “Tapos na po, kanina pa. ikaw lang naman ang hindi gumagawa ng homework sa atin e,” napakamot naman siya ng batok dahil sapol siya sa sinabi ng kapatid. Dahil mas inuuna pa niya ang pagbabasa ng pocket book kesa gumawa ng assigment n’ya. “Si kuya ba nasaan?” “Nasa kwarto n’ya, may tinatapos na project.” Matapos magluto ay tinawag na niya ang mga kapatid. “Lalabas ako mamaya, may papabili ba kayo?” tanong niya sa mga kapatid. “Wala naman, bakit anong gagawin mo sa labas, gabi na ah,” tanong na kuya niya. “May bibilin lang ako sa bookstore, saka saglit lang ako. Ikaw panget may papabili ka ba?” tanong niya sa kapatid na bunso. “Maka-panget ka e, mas pangit ka nga sa akin e. wala akong ipapabili, baka kung ano-ano lang bilin mo hindi ko pa magustuhan, ako na lang ang bibili bukas.” Simangot nito, s’ya naman ay ngingisi-ngisi lang dahil ang sarap asarin ng kapatid. Matapos ang gawain sa kusina ay umalis na s’ya at nagpunta sa malapit na bookstore sa kanto, hindi gaanong puntahan ang bookstore na iyon sa kanila dahil medyo tago ito. Madalas lang na magpunta doon ay ang mga nakakaalam. At pabor ‘yon sa kan’ya dahil sa tuwing may bagong labas na romance book sa store na ‘yon ay s’ya ang nauuna dahil malapit lang sila sa lugar. Habang binabasa n’ya ang librong hawak ay napansin n’ya ang isang lalaki na nakasilip din sa binabasa n’ya. Nanalaki naman ang mata n’ya ng makita kung sino ito. “OMG! Jean Claude? Anong ginagawa ng lalaki na ito dito?” gulat na nasabi sa sarili. “Excuse me, pwede ko bang malaman kung saan mo na kuha ‘yang binabasa mo?” nakangiti at mahinahon nitong tanong sa kan’ya. Anong nakain nang lalaking ito, bakit parang ang bait nito sa kan’ya? Hindi makapaniwalang nakatitig lang s’ya dito. “Miss, Okay ka lang?” nag-aalalang tanong nito. Napapailing na lang s’yang titig na titig dito, “Magugunaw na ba ang mundo?” hindi pa rin siya nagsasalita. “Miss,” untag muli nito sa kan’ya. “Himala, ano naman ang nakain mo at parang ang bait mo ngayon?” sabay irap dito saka ito tinalikuran. “Miss, saglit. Kilala mo ako?” kita sa mukha nito ang pagkagulat. “Ano ‘to, isa na naman sa kalokohan mo?” inis niyang sagot dahil sa pagpapanggap nito. “Seryoso miss, mag kaklase ba tayo?” makulit nitong tanong. “Pwede bang tigilan mo ako, dahil hindi ko sasakyan ‘yang kalokohan mo. Kotang-kota na ako sa panlalait mo sa ‘kin” gigil niyang sabi dito na lalong nagpagulat dito. “Miss, saglit lang pwede ba tayong mag-usap? Saglit lang ‘to” pangungulit nito. Kahit naman inis s’ya dito e, mahal pa rin n’ya ito at hindi naman ‘yon mawawala sa loob lang ng isang araw e, kaya pinagbigyan na niya. Lumabas sila ng store at nagpunta sa isang convient store na malapit sa lugar. Hindi siya nagsasalita, at ang katabing lalaki ay nakatitig lang sa kanya. “Ano akala ko may sasabihin ka?” aniya na hindi na nakatiis sa pagtitig nito sa kanya. “Sorry, una sa lahat. Kilala mo ba talaga ako?” anito na titig na titig pa rin sa kanya. “Ano bang kalokohan ‘yan. malamang kilala kita ikaw si Jean Claude, diba?” pagksabi niya ay ngumiti ito ng ubod ng tamis. Hayy grabe, ngiti pa lang nito ulam na. Na agad naman niyang pinigil ang sarili na mag-isip ng kung ano-ano. “Talaga ba’ng sinungitan kita sa school?” anito na napapakamot sa sariling batok. “Seryoso ka ba d’yan sa tanong mo? Ano bang problema sa’yo? Naka-amnesia ka kaya hindi mo na alam ang nangyayari sa ‘yo?” sinunod-sunod niya ng sarkastikong tanong ang lalaki. Pero sa totoo lang ang amo ng mukha nito kumpara, kapag nasa school ito. “Pasensya ka na ha! Pwede bang pag-nakita mo ako sa school, ‘wag mo na lang akong pansinin!” anito na ipinagtataka niya. “Bakit ko naman gagawin ‘yon, saka bakit parang iba ka ngayon. Ikaw nga itong nangaaway sa’kin tapos ngayon makiki-usap ka na parang maamong tupa.” Aniya na tinitigan ito. “Pasensya na kung inaaway kita, ipasok mo na lang sa isang tenga, saka labas sa kabila.” Biro pa nito. “Wait! May personality split disorder ka ba?” gulat na tanong niya. Ito naman ay nagulat din sa tanong niya, saka napakamot ng ulo at ngumiti. “Seryoso?” tanong niya na hindi makapaniwala sa reaksyon nito. “Pwede ba’ng sikreto lang nating dalawa iyon. Please!” anito na nagmamaka-awa sa kan’ya. S’ya naman ay gulat na gulat at hindi makapaniwalang nakatitig lang sa lalaki. “Pasensya na kung nabu-bully kita sa school ah, para makabawi ako sa ‘yo ililibre na lang kita,’ nakangiting hinawakan nito ang kanyan kamay. OMG! Para naman sasabog ang puso niya ng maramdaman ang mainit nitong palad na nakahawak sa kanya. Seryoso ba ang nangyayari sa kan’ya ngayon? Hawak-hawak ng lalaking matagal na niyang crush ang kamay n’ya at naka-ngiti pa sa kanya, sa sobrang saya ay napa-tango na lang siya. Nag-order ito ng maraming pagkain at binigay iyon lahat sa kan’ya, hindi lang ang tiyan niya ang busog pati ang puso n’ya ay busog na busog sa galak. “Sige, kumain ka lang para sayo lahat ‘yan,” sabay pisil ng kan’yang pisngi, “Ang cute-cute mo talaga,” anito na halos mabitiwan niya ang hawak na pagkain. Halos tumili s’ya sa kanyang isip, “Diyos ko, salamat po! Napansin na di ako ng crush ko sa wakas,” tuwang-tuwa niyang dasal. At cute daw ako. Haaaa! “Siya nga pala kanina pa tayo mag kausap, hindi ko pa alam ang pangalan mo?” tanong nito. “Seryoso ka hindi mo alam?” gulat niyang tanong. “Diba nga!” anito na napakamot ng ulo. “Ay, oo nga pala. Dana— Dana ang pangalan ko!” nakangiti niyang sagot dito. “Bagay sa’yo, cute parang ikaw,” anito na muling pinisil ang kanyang pisngi. Halos walang mapaglagyan ang kasiyahan na nararamdaman niya ng mga oras na iyon, kung panaginip man ‘yon ay ayaw na niyang magising pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD