Inisip ni Julienne na magsisimula na ang party para sa matanda. Birthday nito. Kaya naman nagulat siya nang siya ang tawagin ng sa tantiya niya ay host. "What? Bakit ako?" nagtatakang tanong pa ni Julienne. Ngumiti lamang si Lolo Fidel. Napilitan siyang pumunta sa harapan. Nagniningning ang paligid at tila ganoon rin ang mata ng mga tao. Pinalitan ni Axel ang host. Lalong nagtaka si Julienne. Pumainlang ang love song sa paligid: It was the popular Grow Old With You. "Ano ba ito, Axel? Akala ko ba ay birthday ng Lolo mo?" tanda niya ang kaarawan ni Lolo Fidel ngayon. Pero kung ganito ang nangyayari, para sa Lolo ba talaga nito ang party? "I-I know but..." tila kinakabahan si Axel. Lumapit ito sa kanya. Tumingin ito sa mga tao. Nang sumigaw ang mga ito ay nagpatuloy si Axel. "Mamaya na a

