HINDI nabigo si Julienne. Nang sumunod na araw ay tinawagan siya ni Axel. Nakipagkita ito sa kanya. Dahil sa isang linggo pa uuwi ang kanyang mga magulang at maaari pa nga na ma-extend ayon sa huling message ng mga ito sa kanya, mas lalong nasabik si Julienne. Bagaman magaling na rin ang katulong nila, hindi naman siya pinapagalitan at covered siya nito sa mga magulang. Alam kasi nito ang pinagdadaanan niya sa pagiging mahigpit ng kanyang mga magulang. Binigyan siya nito ng curfew pero hindi na iyon kasing aga ng sa mga magulang. Basta kailangan niyang makauwi ng nine in the evening. Alas singko, pagkatapos ng trabaho ni Axel palagi silang nagkikita. Simpleng pagkikita lamang naman ang mga nangyayari. Dinala siya nito sa isang coffee shop sa unang araw. Pinagkuwento siya nito tungkol sa b

