"HINDI maaaring mangyari sa anak ko ito!" ang boses na iyon ng Mommy ni Julienne ang bumungad sa kanya ng magkamalay. Nagtaka kaagad si Julienne kung bakit. Nasa business trip ito ang Daddy niya dapat. Nang magmulat siya ay nasilip niya na nasa likod ito ng green na kurtina. Nasa harap ng mga ito si Axel. Green na kurtina? Pinagtakahan rin ni Julienne kung bakit may ganoon. Nasaan ba siya? Inalala niya ang huling nangyari. Nahimatay siya. Nasa ospital ba siya ngayon? Ngunit minabuti muna ni Julienne na pakinggan ang usapan bago magtanong. Yumakap ang Mommy ni Julienne sa kanyang Daddy. "Napakabata pa ni Julienne. Ginawa naman namin ang lahat para sa kanya. Prinotektahan siya...." "Ginago mo ang anak namin!" dinuro ng Daddy ni Julienne si Axel. Hindi mabasa ni Julienne ang reaksyon ni

