PERLA'S POV Feeling ko drain na drain ang lakas ko sa araw na to! Eh nasa bahay lang naman ako maghapon eh! Pagkatapos naming mananghalian ay nagkwentuhan lamang kami sandali kasama ang tatay ko at si Magnus sa sala. Pinag usapan namin ang pag aayos ng mga papeles ko bilang isang Montecarlos. Tinatantiya ko ang reaksiyon ni nanay, napansin ko kasing naging tahimik siya ng tungkol na doon ang topic namin. Hinawakan ko ang kamay niya at tinanguan niya din naman ako, senyales ng pagpayag niya. Kahit kelan talaga sobrang supportive ni nanay eh. Kaya nga kahit mabunganga iyan ay hinding hindi ko ipapagpalit sa kahit kaninong nanay ang nanay ko! The best iyan eh! Kahit dati ay puro alak ang hawak hawak niyan. Masaya nga ako ng tuluyang naitigil ni nanay ang kaniyang adiksyon sa alak. Alam

