"Perla!" malakas na bati ni Andrius at nauna pang pumasok sa loob. "Anong ginagawa niyo dito?" kunot nuong tanong ni Magnus habang nakatingin sa pamilya niya. "Congratulations! We're here to personally congratulate both of you!" nakangiti namang sagot ni tandang Caerus. Napatingin ako kay tita Valerie at nakita kong napakagat labi siya. "You told them, love?" pagbaling sa akin ni Magnus. Napakamot ako sa batok. "Si uh si tita Valerie lang sinabihan ko eh." sagot ko kaya napabaling kami kay tita na naka peace sign at napabuntong hininga na lang kami. Pinapasok namin ang angkan ni Magnus. Oo angkan niya! Pati nga si Savannah ay nandito din na mukhang hindi hubadera ang drama ngayon. Dinumog nila ako kaya napangiti ako ng malapad. "Congratulations, Perla! May dala ako para sayo he

