ALEXA'S POV Tahimik ang buong kwarto ng makalabas si daddy na kasama si Andrius. Pinanuod ko kung paano nalaglag ang balikat ng lalaking mahal ko at kung paano gumuhit ang sakit at pagsisisi sa kaniyang gwapong mukha. Napaiyak ako at niyakap ng mahigpit si mommy. "It's okay, Alexa. It's fine, mommy is here hmm?" malambing na saad ni mommy at hinimas himas ang aking likod. Tahimik lamang sa gilid ko si Alejandro, malalim ang iniisip habang nagtatagis pa din ang bagang. "M-Mommy masakit p-po.. I.. I love him.. I love him so much to the point that it hurts! It hurts!" pag iyak ko at napahagulgol. My mom never left my side until I calmed down and stopped crying. "Whatever your plan anak, we're going to support it." kapagkuwan ay saad ni mommy at hinawakan ng mahigpit ang aking kamay

