PERLA'S POV Isang simpleng itim na dress lang ang suot ko, kanina feeling ko ang ganda ganda ko. Na para akong isang dyosa pero ng lumabas kami ng kotse ay bigla akong nanliit. Putcha! Nagmumukhang basahan ang hitsura ko dito eh! Halos mapugto na ang aking hininga ng bumungad sa akin ang tatlong fountains sa harap mismo ng mansion. Oo! Jusko tatlong fountains! Pinakamalaki ang nasa gitna, tapos may dalawang kalahati sa laki ng nasa gitna ang nasa gilid nito. Naramdaman ko ang kamay ni Magnus sa aking baba at itinaas niya iyon ng nakangiti. Doon ko lang napansin na nakanganga pala ako. Narinig ko ang mahinang tawa ni Magnus at ni tatay pero hindi ko sila pinansin at naglakad papalapit sa gitnang fountain. Napalunok ako ng halos mapuno iyon ng diyamante, kagaya ng kila Magnus pero mas m

