PERLA'S POV Kabadong kabado ako habang nasa kotse kami at bumabiyahe pa lamang papunta sa bahay nila. It's already 8 in the evening kaya bumiyahe na kami upang saktong 8:30 ay nandoon na kami sa bahay nila. Naubos lang naman ang oras namin sa yakapan at landian eh! Nanlalamig ang mga kamay ko kaya pinagsalikop ko iyon. Jusmeyo marimar! Ganito pala ang feeling ng nasa mga kdramas! Iyong meet the family na scenes! Hindi ko alam kung anong mararamdaman eh! Nauuhaw ba o naiihi ay ewan! Hindi rin ako mapakali. Inabot ni Magnus ang kamay ko at pinagsalikop niya ang mga kamay namin. "Just try to relax, love. Kasama mo ako, hindi kita papabayaan hm? Akong bahala sayo." masuyo nitong sambit at kumindat pa kaya kahit kinakabahan ay bahagya akong natawa. Huminga na lamang ako ng malalim at hin

