"What?!" bulalas ni Alexa. Pati si Ashton napatingin din sa akin eh. Nagkibit balikat ulit ako at sumipsip sa coke na binigay ni Ashton. "Are you sure about that? Legit? Pumatol si sir sa baliw na babaeng iyon? Let's ask Andrius nalang! Tutal pinsan niya naman si sir Magnus eh!" matapang na sambit ni Alexa at nilingon si Andrius na naglalakad papalapit sa mesa namin. "Oh, anyare sa mga mukha niyo? Eto na ang order mo mahal na prinsesa!" saad ni Andrius at inilapag ang tray na puno ng pagkain ko sa mesa namin. "Engaged na ba talaga sina sir Magnus at ma'am Veronica?" diretsahang tanong ni Alexa. Napahinto sa pag upo si Andrius at kumunot ang nuo habang nakatingin sa amin. "What?!" taka nitong tanong pabalik sa amin at tumuloy sa pag upo. "Wag na nating pag usapan iyan! Kumain n

