"Hindi." "Oo." sabay naming sambit. Pinanlakihan ko ng mata si Magnus dahil oo ang sagot niya! Bwesit na gwapo na toh! Idadamay pa ata ang kapatid ko sa pagiging broken hearted ko eh! "Inaaway ako ng ate mo, Tonton." pagsusumbong ng mokong sa kapatid ko at hinila niya si Tonton papalapit sa kaniya. Ang kapal ng mukha neto! Nakakainis! "Bakit po?" tanong naman ng kapatid ko, halatang naguguluhan. "Sir." inis kong sambit bago pa siya makasagot. Tiningnan nila ako pareho. Umigting ang panga ni sir Magnus at hinarap ang kapatid ko. "Ayaw na daw niya sa akin Ton." saad niya at kinandong ang kapatid ko. "Ton, halika dito kay ate. Wag kang magpapaniwala diyan! Halika, sabay tayong kumain nitong kinuha ko." pagtawag ko sa aking kapatid na naguguluhan pa din ang mukha. Jusko!

