ALEXA'S POV "Nervous?" napatingin ako kay Andri ng magsalita siya. Humugot ako ng hininga at dahan dahang tumango. "Kinda.." mahina kong sagot. Kasalukuyan kaming nasa biyahe papunta sa mansion ng pamilya niya. I can't help but to be nervous. Normal lang naman sigurong maramdaman to diba? Like, hello? Meet the parents na ang drama namin no! Hindi ko pa namimeet ang ibang Cervantes maliban kay sir Magnus. "It's okay, baby. Relax, I'm here." malumanay niyang saad at may magaang ngiti sa kaniyang mga labi. Inabot ng isang kamay niya ang kamay ko. Napangiti din ako at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya. "You're cold, baby." natatawa niyang pahayag kaya napanguso ako. "Hindi lang ako nilalamig, pinagpapawisan ako at sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Tapos hindi ko pa alam if na

