PERLA'S POV "Good morning ma'am!" "Good morning po ma'am." "Magandang araw ma'am." Hindi ko alam paano ko susuklian ang mga pagbati sa akin ng mga empleyado ni Magnus! Jusko naman! Binabati ko din sila pabalik pero s**t! Mauubos na ata lakas ko sa dami nila. Nangangalay na ang mga labi ko kakangiti! Kasalanan talaga to ni Magnus eh! Nag hard launch ba naman! Nakaabot na nga ang chismis kay Alexa na kung kiligin dito sa tabi ko ay para wati na naputulan ng buntot. Haynaku! "Big time kana, Perla! Wag mo kaming kakalimutan ah?!" pagbibiro niya habang papasok kami sa elevator. Kinikilig pa ako nitong hinampas. "Aray ko ha! Kanina kapa eh isa napang bibingo ka sa akin!" asik ko pero tinawanan niya lang. Bakit ko nga ba to naging kaibigan?? "Sana all nalang sa inyo no! Ka

