CHAPTER 1

1399 Words
"Hoy Perla! " kakadating pa nga lang ng magaling kong nanay sa sira sira naming bahay ay iyan agad ang bungad sa amin. Letse! Lasing na naman ang aga aga eh! Napakamot nalang ako sa ulo. Bwesit na buhay talaga to oh! "Ano na naman nay?!" pasigaw ko ding sambit. Ha! Kung galit siya ay mas galit ako! "Akin ng pera mo, bilis!" abah kapal talaga ng mukha ng nanay ko na to! Itinigil ko ang paghuhugas ng pinggan at hinarap ang nanay ko na hirap na hirap na pumasok sa maliit naming kusina, may dala pa itong kwatro kantos ng alak. Halos masubsob na nga ito dahil sa kalasingan. Tangina! Anong oras palang lasing na agad ito. Hindi pa nga gising ang ibang kapit bahay niya! "Sinabi sa akin ni Andeng malaki daw kita mo kagabi ah" tumaas ang kaliwang kilay ko dahil sa sinabi niya. Kahit kelan talaga si tiya Andeng bwesit! "Oh tapos? Hindi to para sa alak nay tumigil ka diyan!" saad ko habang nakapameywang na hinarap si nanay. Para to sa gamot ni Tonton, ang sampung taong gulang kong kapatid. May hika kasi ito at ubos na ang binili kong inhaler noong isang buwan, kaya kailangan ko ng bumili ng bago mamaya. Galit na tumingin sa akin si nanay, pero inirapan ko lang ito at tumalikod upang ituloy ang paghuhugas. Wala pa akong tulog dahil hindi ako makatulog. Ikaw ba naman bigyan ng masarap na halik ng gwapo at sobrang hot mo na propesor, tingnan natin kung makakatulog kaba kakaisip kung kelan ang sunod letse! "Nak, sige naman na oh. Wan hanred lang Perla." rinig kong saad ni nanay. Ganyan yan lagi, hindi kasi ako madadaan sa pagalit galit niyang singhal dahil kung amazona siya ay dragon ako, kaya eto maglalambing na iyan para mabigyan ng pera! Napabuntong hininga na lamang ako at nagpahid ng kamay nang matapos ang paghuhugas ng pinggan. Hinarap ko siya at sumandal sa lababo namin. "Nay naman eh! Pambili to sa gamot ni Tonton! Kapag iyan namatay sa hika ipapakulong kita!" sikmat ko dito. Napanguso naman ito ay tumungo sa lamesa naming ako lang ang gumawa. "Fine! Pero mamaya na kita bibigyan, matulog ka muna diyan jusko inay ang aga aga alak yang inaatupag mo!" pag sesermon ko dito. Nakangisi nitong inangat ang ulo at tumingin sa akin. Hays! "Talaga?" saad niya na tinanguan ko. May exam ako ngayong alas nwebe ng umaga kaya dapat tulog si nanay kapag umalis ako para may kasama sa bahay si Tonton. "Sige ba! Tutulog na ako!" tumayo ito sa bangko at muntik pang matumba dahil sa kalasingan kaya mabilis kong inalalayan hanggang sa kwarto naming kurtina lang ang nagsisilbing pintuan. Nadaanan ko pa si Tonton na nanunuod ng cartoons na palabas ng GMA sa sala. Nilapitan ko ito. "Ton, may pasok si ate ngayon, pakabait ka dito ha? Si nanay natutulog na yon kaya wag kang aalis ng bahay baka irape yan!" saad ko sa kapatid na inosenteng nakatingin sa akin. "Lasing na naman si nanay." naiiyak na sambit ng kawawa kong kapatid. Ngumiti ako rito para sabihing ayos lang iyon. "Nakuu ayos lang yon ton! Masanay ka na lang sa nanay natin ha?" ginulo ko ang buhok nito, tumango naman ang kapatid ko kaya mas lalo akong napangiti. Mabait na bata si Tonton, mana sa akin! Charot! Hindi ko alam saan nagmana ang batang ito. Mahinhin lamang ito, hindi pasaway at matalino din. Sa pagiging matalino, walang duda sa akin iyon nagmana, sa pagiging mabait ewan ko hindi naman ako mabait at mahinhin. Magkaiba kami ng tatay ni Tonton. Dati kasing pokpok ang nanay ko kaya sa club ako nagawa, kilala ko naman ang tatay ko pero hindi ako kilala nito. May pamilya na din kasi tapos mayaman at maimpluwensiya pa kaya tatahimik nalang kami dito sa gilid dahil baka ipapatay pa kami kapag nalamang may baho pala ang pamilyang yun! Tiwala lang Perla! Makaka ahon din kayo sa hirap! Pinakain ko muna si Tonton at pinainom ng vitamins nito bago ako pumasok sa school. I'm a second year college student, Information Technology ang kinuhang kurso para kahit saang field pwede. Lahat kaya ng kompanya ngayon ay kailangan ng IT! At wala na ding board exam iyon. Simpleng white t-shirt lang ang suot ko at pantalon, ng makarating sa harap ng school ay tiningala ko ang entrada ng university na pinapasukan. WELCOME TO HOYER UNIVERSITY! Bukod sa kapatid at nanay ko, yan din ang motibasyon ko sa bawat araw na nakikipag bakbakan ng utak sa ibang mga mayayaman. Hindi ko nga alam anong meron diyan eh pero binibigyan ako ng lakas ng loob niyan, kaya sa bawat pagpasok ko ay tumitingala talaga muna ako na parang tanga. Kagaya ngayon! BEEEEEEPPPPPPPP! BEEEEEEPPPPPPPP! Napaigtad ako dahil sa gulat ng may bumusina sa gilid ko. Punyeta na yan! Hindi ako bingi! Masama iyong tiningnan ngunit ng bumaba ang bintana ng kotse ay nakita kong si sir Magnus pala iyon! s**t! Nanlalaki ang mga mata akong nakatingin at mabilis na naging magalang ang hitsura at gumilid na din. Seryoso lamang siyang nakatitig sa akin kaya nginitian ko at bumati dito. "Good morning sir! Pasensya na po hehe" saad ko dahil baka mamaya bigyan ako ng tres nito sa major subject namin sa kaniya jusko! Pang mayaman talaga ang school na to! Sadyang swerte ko lang dahil isa ang pinapasukan kong public school noong high school ang na offeran ng full scholarship dito. Sakto namang ako ang valedictorian kaya matik na! Nabigyan ako ng pagkakataong ipagpatuloy ang pag aaral! May pag asa pa kaming maka ahon sa kahirapan! Kapag nakapagtapos ako at nakahanap ng magandang trabaho ay aalis kami agad ni nanay at Tonton sa mabahong lugar na iyon! Nakatira kami sa pinaka dulong barangay dito sa Manila. Madaming squater doon pero may nga bahay din namang bato at maganda, yun nga lang hindi kasali dun ang bahay namin kaya kailangan kong kumayod ng todo! "Good morning everyone! Please settle down." napatuwid ako ng upo ng marinig ang baritonong boses ng adviser namin. Which is si sir Magnus Clint Cervantes! Hindi ko pa nakakalimutan ang halik niya kagabi, ay kaninang madaming araw pala iyon! Bakit ako hinalikan ni sir? Lasing lang ba yon? Pero anong ginagawa niya sa club na yon? Hmp! Bagong propesor lang si sir Magnus dito. Ngayong semester lang siya nagsimulang magturo at ang section namin ang binigay sa kaniyang advisory. Marami ang takot kay sir, pero mas marami ang nababaliw sa kaniya dahil sa sobrang kagwapuhan! Ang ibang propesor na babae nga ay halos magkumahog magpaganda kapag dadaan o dadating si sir Magnus. Ganun din ang ibang student. Ganun din sana ako, kaso wala akong gamit pampaganda kagaya nila kaya wag na lang! Perfume lang ang meron ako tapos tinitipid ko pa dahil baka maubos agad! Natural na ganda lang char! "How's the progress of your final output?" tanong nito sa kanila kaya napanguso ako. Isa pang problema yan! Ang gastos ko sa computer shop puta na yan! Nakakatipid naman minsan kapag nakakahiram ng laptop sa kaklase pero kadalasan ay sa computer shop ako gumagawa kaya grabeng gastos sa pera ko! "Ayos lang sir 50% na!" may sumagot sa kaniyang likuran kaya napalingon siya dito. Ibinalik niya din agad ang tingin sa harap at lumukso ang puso ko dahil naabutan kong nakatitig si sir sa akin! Tangina?! Ano kayang hitsura ko? Maganda naman ako kanina nang tumingin ako sa salamin ng jeep bago bumaba. Bigla akong na conscious sa sariling hitsura. "How about you? Ms. Avila?" gustong lumabas ng puso ko sa dibdib dahil sa tanong ni sir. Naglakas pa ito papalapit sa upuan ko shet! "Uhm 60% na ako sir." seryoso at kalmado kung sagot pero ang totoo niyan at kahat ng organs ko sa katawan ay nagwawala, pati nga reproductive organs ko eh! Tumaas ang gilid ng labi nito at tumango sa akin. "Good." napakagat labi na lang ako dahil sa kilig na hinaluan ng kaba. Nakaramdam ako ng sakit dahil pinisil ng katabi ko ang aking kaliwang braso dahil paniguradong kinikilig din ito. "Aray ko letse ka!" mahina kong daing at pinalpal ang kamay ni Alexa upang matanggal ang pagkakapisil nito. "Ang gwapo ni sir!" tili pa nito at hahampasin na sana ako kaha mabilis kong inilayo sa sarili sa kaniya. Ngumisi ako bago sumagot. "Korek girl!" pabulong kong tugon at pilit na pinapakalma lahat ng organs sa katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD