ANDRIUS' POV "Hoy! Ikaw na lalaki ka bangon! Bumangon ka diyan!" napaungot ako ng makarinig ng matinis na boses. Damn! Ang sakit sa tenga. Nararamdaman ko ding may humihila sa paa ko. "Love, calm down please?" rinig kong sambit ng kung sino. Ang ingay! Gusto ko pang matulog! "Andrius! Babangon ka o bubuhusan kita ng malaming na tubig?! Punyetang lalaking to!" napabalikwas ako ng makilala ang matinis na boses na iyon. Pinikit pikit ko pa ang aking mga mata dahil baka nananaginip lang ako sa aking nakikita. Diba nasa honeymoon sila? Bakit sila nandito? "Perla? Magnus?" wala sa sarili kong tanong. "Ang pangit mo gago!" bulalas ni Perla at tinapunan pa ako ng unan na galing sa gilid ng kama ko. "A-Anong..." hindi ko alam kung anong sasabihin. Naguguluhan ako. Panaginip to? Kinu

