"I'm sorry. I'm sorry. Please forgive me, love. I didn't mean to make you feel jealous. Pinigilan ko lang ang kamay niya dahil humawak iyon sa braso ko. And I didn't know na uupo siya doon sa tabi ko. Mahal, I'm sorry. I love you." malambing nitong saad habang mahigpit ang pagyakap sa akin. Tuluyang tumulo ang kanina ko pang pinipigilang luha at pinaghahampas ang kaniyang dibdib. "Tangina mo naman eh! Todo iwas ako sa mga lalaking nadadaanan namin tapos iyun ang madadatnan ko?! Sinong di magseselos nun!" inis kong sambit habang tumutulo ang mga luha sa mga mata. "Porket maganda at sexy iyon tapos mukhang mayaman nahihirapan agad kayong itaboy! Shuta! Lamang lang iyon ng ilang skincare sa akin eh! Nakakainis! Nakakainis! Oo, nagseselos ako! Punyeta na yan!" dagdag ko habang patuloy na

