"May pasalubong ako sayo mamaya! And I have a lot of kwentos oh my gosh!" excited na sambit ni Alexa na nagpangisi sa akin. "Aba! Dapat lang no!" makapal ang mukha kong sambit at sabay kaming umupo sa upuan. Nasa classroom na kami hays! Oo, second semester na! Jusko ang bilis lang talaga ng panahon eh. Eto nga at simula na ulit ng aking kalbaryo! Akala namin magbabago din ang aming adviser pero hindi pala, si sir Magnus pa rin hmp! Yung ibang section kasi nagbago ang adviser nila eh. "Si Miss Veronica ang instructor natin sa General Electives subject! Yes!" rinig kong sambit ni Jacob, ang kaklase ko. Napakunot naman ang aking nuo dahil doon. Huh? Sino iyon? Bagong professor sa Hoyer University? Pero second semester na ah? Hindi daw pwede iyong ganun. Hindi nagha hire ng new p

