PERLA'S POV Naiiyak na ako! Letse nag iinit ang katawan ko pero tulog si Magnus. Nahihiya din akong gisingin siya. "Arghh!" inis kong sambit at napasabunot. Napatingin ako sa wall clock na nasa kwarto ko at nakitang tanghali na! 12:32pm ang nakalagay doon at imbes na magutom ay heto at iba ang gusto ko! Kagat labi kong kinalabit ang natutulog kong boyfriend. Napanguso ako dahil hindi man lang gumalaw ang gwapong to! "Daddy.." "Huyy!" untag ko. Namumuo ang luha sa aking mga mata. Ayaw niya pa ding magising! "Magnus.." "Daddy!" medyo nilakasan ko ang boses at bahagya siyang niyugyog. Naalimpungatan siya dahil doon. "Why? What's wrong, love?" nag aalala niyang tanong. Napakurba pababa ang mga labi ko at mas lalong napaiyak. Agad niya akong dinaluhan at pinunasan ang mga luha

