ALEXA'S POV Mas nauna akong magising kay Andri. Napangiti ako ng bumungad ang gwapo niyang mukha pagkadilat ng aking mga mata. My gosh! I really want more mornings like this! Pinagmasdan ko ang ekspresiyon niya at mahinang natawa ng kunot na kunot ang kaniyang nuo at magkasalubong ang dalawang makakapal na kilay. "Ano kayang napapanaginipan ng isang to ngayon.." mahina kong bulong at umigkas ang kanang kamay upang ayusin ang kunot niyang nuo. Lumapad ang ngiti ko ng natanggal naman ang pagkakakunot niyon. Ang gwapo talaga! Hindi ko masisisi ang sarili kung bakit nabaliw ako sa kaniya simula nung college pa kami. Hayss... Hanggang ngayon ay baliw na baliw padin ako. Dahan dahan akong bumangon. Napatingin ako sa wall clock sa harap at napanguso ng makitang alas singko palang ng um

