Hindi ko na inasahang makikita pa si Magnus sa labas ng café dahil sa huling sambit ko. Kita ko sa kaniyang mga mata ang pagdaan ng sakit ng sinabi ko iyon. Agad naman akong nakonsensya doon. Gulong gulo na din ako. Bakit parang clueless naman ata siya? Gagu ba siya?! Siya ang nagpakalat ng video para sirain ako tapos heto siya ngayon at parang nagkukumahog na pansinin ko. Nakakainis dahil ramdam ko at alam ko sa aking sarili na rurupok talaga ako kay Magnus. Oo na! Martyr na kung martyr! Marupok na kung marupok! Malandi na kung malandi! Bwesit na yan! Wag niyo akong sisihin kung hindi itong kipay este ang puso ko! Wala eh, siya pa rin ang sinisigaw na parang tanga! Akala ko umuwi na siya, pero nagulat ako dahil naghintay talaga siya sa akin sa labas. Naabutan ko siyang nakayuko at m

