Pagkatapos ng mala main character kong speech ay nagsimula naman na ang dinner. May pa buffet pa nga kaya magpapahuli ba naman ako? Eh kanina pa nga ako nagugutom eh! Hinila ko agad si Magnus papunta doon at siya ang tagahawak ng plato ko habang ako ang kuha ng kuha. Nawalan na ako ng pakealam sa paligid dahil ang gusto ko lang ay kumain! Madami akong nakilala at nakasalamuhang mayayaman at mga kilalang personalidad sa bansa. Sobrang nakaka overwhelm pala kapag nasa harapan mo na sila. Ang kikinis nila jusko! Parang nakakatakot tuloy hawakan. Kasama namin sa long table ang family ni Magnus at iba pang kaibigan ng pamilyang Montecarlos. Hindi naman nagtagal ay nasanay na din ako sa presensiya ng ibang tao. Ang dami kong kinain! Busog na busog ako pero atleast maganda padin! Pagkat

