"Salamat sir! Ingat." nakangisi kong paalam kay sir Magnus. Nasa tapat na ako ng bahay naming isang lindol na lang ay bibigay na. Sobrang init ng dalawa kong pisngi. Puta na yan! Kapal mo talaga Perla! Nakahalikan mo yung propesor mo at may gana ka pang ngumisi diyan! Bumusina muna si sir Magnus ng isang beses bago tuluyan ng umalis. Natulala na lamang ako sa labas ng bahay namin at saka pa lamang nag sink in lahat ng nangyari sa loob ng kotse. Napatampal ako sa aking nuo dahil sa naisip. s**t! Lagot! Paano ako papasok nito bukas at haharap kay sir Magnus?! Ayan! Ang landi mo kasi Perla puta ka! Napakamot na lamang ako sa buhok at napatadyak bago pumasok sa loob ng bahay. Pagkapasok ko sa bahay namin ay nakita ko agad si nanay na nakahilata sa sahig ng maliit na sala namin. M

