Naiwan kaming dalawa ni Ashton sa mesa. Kinuha ko ang cellphone at napagtantong wala pala kaming number ni sir Magnus sa isa't isa kaya napanguso ako. Hindi ko tuloy siya ma text na hindi ako makakapunta sa office niya ngayon. "Do you always pout?" natatawang tanong ni Ashton sa akin kaya mas napanguso ako at tumingin sa kaniya. "Bakit? Hindi ba bagay sa akin?" nakanguso ko pa ring sambit. Napatawa naman si Ashton dahil sa ginawa ko. What the f**k? Paano kung hindi pala talaga bagay sa akin ang ngumuso? Tapos panay pa naman ang pagnguso ko kapag kasama si sir Magnus! Jusko! Kahihiyan iyon! "Bagay naman, ang cute mo nga eh." nakangiti pa ring sambit ni Ashton sa akin. Sasagot na sana ako ngunit may pabagsak na umupo sa bandang kanan ko. Tumunog ang upuan at ang inilagay niya sa

