Hindi ko kayang magalit kay nanay dahil sa pagiging lasenggera niya. Binuhay niya pa rin kami at nagsikap siya para sa amin. Sadyang ilang beses lang talagang naging sawi sa pag ibig ang nanay ko. Pagkatapos niya kasing mabuntis ng tatay ko sa isang bar at nalaman niyang may pamilya pala ito ay huminto siya sa pagtatrabaho doon. Binuhay ako ni nanay Presing. Hindi niya ako pinalaglag kagaya ng madalas ginagawa ng kasamahan niya sa trabaho. Nagsikap si nanay na makahanap ng ibang trabaho. Siyam na taong gulang ako noong makilala ni nanay ang tatay ni Tonton. Ngunit magaling lang iyon sa umpisa at ng mabuntis si nanay kay tonton ay iniwan siya nito. Napakagagong lalaki. Gusto ng sarap pero ayaw sa hirap, sarap lang iumpog sa bato eh. Makita ko lang talaga iyon makakatikim iyon sa akin! H

