"Ano kamo?" gulat na bulalas ni nanay ng sinabi ko sa kaniyang lilipat na kami ng bahay pagka discharge ni Tonton. Napakamot ako sa ulo. "Ano ba naman yan nay! Hindi lang kayo ulyanin, bingi na din kayo?" inis kong sambit at inirapan siya. Nasa ospital na kami at agad na dinaluhan ni Magnus ang kapatid ko. Samantalang ako? Hindi ako pinansin ni Tonton! Parang hindi ako ate eh hmp! Kaya heto at si nanay ang kausap ko! "Ikaw talagang bata ka! Narinig ko ang sinabi mo, hindi lang ako makapaniwala! Bwesit ka talaga kahit kailan eh!" singhal niya sa akin na ikinatawa ko. Agad namang bumalik sa pagiging seryoso ang mukha ko. Hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay ni nanay at pinakatitigan siya. Pareho kaming nakaupo dito sa couch hindi kalayuan sa higaan ni Tonton. "Oo nay, paglabas na

