ALEXA'S POV Naalimpungatan ako ng may maramdamang pumipisil sa aking dalawang paa. Salit salitan iyon. Bagama't sobrang nakakagaan sa pakiramdam at gusto ko lang na hayaan ang kung sino mang gumagawa nun ay mas pinili kong imulat ang mga mata at agad kong nakasalubong ang malalalim na mata ni Andrius. "Sorry, did I wake you up?" baritono ang mababa niyang boses. Bahagya akong bumangon at sumandal sa headboard. "Binuhat mo ako?" seryoso kong tanong at tinitigan siya. "Yes.." kagat labi niyang sagot at tila naghihintay pa ng singhal. Bahagya akong natawa. "Thank you. Pero sana ginising mo na lang ako." saad ko habang nakangiti. Lumiwanag ang mukha niyang tumingin sa akin. "You're not mad?" taka niyang tanong. "Grabe anong tingin mo sa akin? Amazona?!" pairap kong saad kaya napak

