"Love? Are you in there?" napalingon ako sa pintuan ng marinig ang boses ni Magnus. Huminga ako ng malalim at tumayo sa pagkalasalampak. "Teka lang umiihi pa yung tao eh!" sagot ko sa kaniya. Halos mapapalakpak ako ng hindi nautal habang sinasabi iyon. Bahagya pa akong nahilo sa pagtayo ko pero agad din namang nakakapit sa pader. Napagdesisyonan ko na lang na maligo since nasa banyo na din naman ako. Habang nagsasabon ay pumunta ako sa harap ng full body mirror at pinakatitigan ang tiyan ko. Wala namang pagbabago doon eh! Medyo nagkakabilbil lang ako dahil sa pagiging matakaw this past few days pero wala namang baby bump o ano. Malamang! Paano ka magkaka baby bump agad eh baka isang linggo palang akong buntis! Pero paano kung hindi pala talaga ako buntis at may sakit lang? Pero si

