"You are already aware of the issue na kumakalat sa school right?" striktong tanong sa akin ni Mrs. Adelaida Villamor, ang head ng Student Affairs. Mahina naman akong tumango bilang sagot sa tanong niya. "The video is already taken down, but kumalat na iyon sa buong school and everyone knows about it already." Humigpit ang pagkuyom ko sa aking kamao. Sa isip ko ay minumura ko na ng todo si Magnus! Wala akong ibang taong maisip na magvivideo sa akin kung hindi siya dahil tangina! siya lang naman ang kasama ko dun. Siya lang ang may alam sa club na pinagtatrabahuan ko. Ang alam lang ni alexa ay sumasayaw ako sa club bilang raket pero hindi nito alam kung saang club kaya si Magnus lang talaga. Ang tanong ay bakit? Bakit niya gagawin to? Tingin niya ba hindi ko deserve ang scholarsh

